LIONGO
Mito mula sa Kenya
Isinalinsa Filipino ni Marina Gonzaga-Merida
1.PAGKILALA SA MAY-AKDA
Ang mitong ito ay walang katiyakan kung sino ang may-akda sapagkat nagpasaling dila lamang ito sa pamamagitan ng awitin. Nais Dito ituro sa mga kabataan ang pinagmulan ng kanilang mga tradisyon Sa kabilang banda, sinasabing ang mitolohiya ni Liongo ay parte ng kasaysayan ng Kenya Coast noong 1200 o sa huling bahagi ng 1600, dito nagmula ang konsepto ng “Matrilinear, Ozi, Patrilinear, Faza at Gala
2. URI NG PANITIKAN
Ang Liongo ay isang uri ng mito. Ang mitolohiya ay pag-aaral sa mga mito at alamat. Ang klasikal na mitolohiya ay naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan na sinasamba ng sinaunang tao.
Ang akda rin ay isang piksyon o kathang isip lamang. Ito ay nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao. gumamit ito ng imahinasyon upang maipahayag nang masining ang akda. Sa paraang ito, napupukaw ang atensyon ng mga mambabasa sapagkat hindi pangkaraniwan ang akdang ito. Kahit hindi kapani-paniwala ito ay itunuturing na banal at totoong naganap.Ito rin ay isang masining na paraan upang makilala ang dating sistema ng bansang Kenya.
3. LAYUNIN NG AKDA
Ang layunin ng akdang ito ay maipahayag ang importansya ng pa pagtitiwala, na hindi ito ipinagkakaloob sa kung sino sino. Layunin pa nito ang ipaalam na saating kalakasan o saating mga tagumpay, mayroong mga tao naais tayong pabagsakit o ibaba ang ating estado upang sila ay umangat o ang tinatawag na “Crab mentality”. Ang huli ay ang ating kahinaan ay hindi dapat ipinapakita sa ibang tao dahil maaari nila ito pag samantalahan ng ibang tao.
Sa mitong ito mayroon dalawang Teoryang Pampanitikan ang aming nalapat. Ito ang KLASISMO at ang SOSYOLOHIKAL. Maaring Klasismo ang mailapat dito dahil ayon sa kahulugan ng Klasismo, Ipinahahayag ng Teoryang ito na ang isang akda ay hindi naluluma o nalalaos, sa kabilang dako ay nangyayari o nagaganap parin sa kasalukuyan. Tulad ng sabi sa akdang ito. Ito ay napagsaling dila sa pamamagitan ng awitin. Ibigsabihin, kahit ito ay nagmula sa unang panahon nananitili parin ang damdamin at pagkaakit ng mambabasa rito. Ang Sosyolohikal naman ay nakatuon ang pagsusuri sa kamalayang panlipunan. Binibigyang-diin ang ugnayan ng tao sa kanyangkapwa-tao, sa lipunan, sa kapaligiran at sa iba pang aspektong panlipunan. Nailapat naman ito sa mto dahil naipakia ang kanyang koneksyon sa ibang mamamayan marahil dahil isa siyang pinuno at maipapakita kung gaano binigyan siya ng halaga ng mga ito noong siya ay nabilanggo.
4. TEMA O PAKSA NG AKDA
Ang tema ng akda ay katapangan ng pangunahing karakter ng istorya, pagmamahal sa sariling bayan, kagitingan ng isang tunay na pinuno na may kakayahan na pangunahan at ayusin ang kanyang mga nasasakupan at ang pagmamahal sa kanyang mga kababayan at mga taong nakapaligid sa kanya. Katunayan ay nung siya ay ipinabilanggo, ang mga taong nagmamahal sa kanya ay nasa labas ng kanyang bilangguan upang alayan sya ng awitin na nakapagkalag ng tanikala niya. Dahil sa ipinakita nyang pagmamahal sa kanyang nasasakupan, ang mga tao rito ay itinuring siyang bayani at dahil diyan, hindi siya iiwanan ng mga ito at bagkus ay sasama at susunod ang mga ito sa kanya. Katunayan na siya ay isang mabuti at mahusay na lider.
5.MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
Si Liongo ay isang mitolohikal na bayani ng mga mamamayan ng Swahili at Pokonio sa Silangan ng Kenya. Siya ay pinanganak sa isa sa 7 bayan sa baybayin ng Kenya. Siya ay may natatanging lakas at kasintaas ng isang higante. Hindi siya nasasaktan o nasusugatan ngunit kapag itinurok ang isang karayom sa kanyang pusod, siya ay mamamatay. Siya at ang kanyang ina na si Mbwasho lamang ang nakakaalam nito. Siya ay hari ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta at ng Shanga sa Fosa, isla ng Pate. Subalit ang hinirang na bagong hari ng buong Pate ay hindi siya, kundi ang pinsan niya na si Sultan Ahmad.
Ang iba pang tauhan dito sa mitong ito ay ang mga Watwa. Sila ang mga naninirahan sa kagubatan. Matapos na makawala si Liongo sa bilangguan dahil sa awit ng mga tao, nanirahan sya sa kagubatan kasama ang mga ito. Isa pa ay ang Hari ng Galla na siyang nagpasiya na ipakas sa anak niyang babae kay Liongo upang mapabilang ang bayani sa kaniyang pamilya. Makalipas nman ang panahon nagkaron sila ng anak na lalaki na siyang nagtaksil dito at ang nakapatay sa bayaning si Liongo.
6. TAGPUAN/PANAHON
Ang mga iba’t ibang tagpuan na makikita sa mitong ito ay ang OZI at UNGWANA sa TANA DELTA. Dito at sa Fosa, Isla ng Pate hinirang na hari si Liongo. Siya ay pinalitan ng kanyang pinsang si Sultan Ahmad na siyang hinirang na hari sa buong isla ng Pate. BILANGGUAN, sa pagnanais ni Sultan Ahmad na mawala si Liongo, ipinakulang niya ito at ikinadena. Ngunit nakawala rin naman si Liongo sa pagkakabilanggo nang awitin ng mga tao ang isang mahaba at papuring awiting kanyang nilikha. Ang koro ng awitin ay nakalikha ng malakas na ingay na kumalag sa mga tanikala ni Liongo na hindi narinig ng mga bantay. Sa KAGUBATAN naman Matapos na makawala si Liongo sa bilangguan dahil sa awit ng mga tao, nanirahan sya sa kagubatan kasama ang mga Watwa. Dito, natuto si Liongo na pandayin ang kanyang kasanayan sa paghawak ng busog at pana.
7. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Ang pangyayari sa nasabing mito ay pangkaraniwan sapagkat ang pangyayari ay kadalasang nangyayari sa iba pang mga akda na kung saan ang mga taong itunturing mo pang pamilya ang magtataksil at papatay sa iyo. Ang pagkakasunod-sunod nito ay maayos at madaling naiintindihan, ang normal na pagkakasunod-sunod ng balangkas ng kwento ay ginamit dito at kahit luma na ito ay kapupulutan pa rin ito ng aral.
8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
Ang kaisipan mailalapa o mpupulot dito sa mitong ito ay ang iyong ina lamang ang kadalasan mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay o sikretong mayroon ka. Isang halimbawa dito ay ang nakasaad sa kwento, hindi hinayaan ng kanyang ina na malaman ng mga tao ang sikreto o kahinaan ng kanyang anak at ito ay iyong mamatay si Liongo kapag itinurok sa kanyang pusod ang isang karayom. Dito ipinakita ng kanyang ina ang labis na pagmamahal sa anak.
Isa pang kaisipan ang aming mabubuo ay hindi lahat ng kadugo o kamaganak mo ay mapagkakatiwalaan, minsan kung sino pang kadugo mo ay siya pang naghahangad ng pagbagsak mo. Ang maaaring dahilan ng pangyayaring ganito ay kapangyarihan at yaman. Ang kaisipang ito ay nagsasaad ng kasakiman ng tao na kahit sarili mong kamaganak ay kaya mong traydurin makuha o makamtan lang ang sariling ninanais
9. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
Kung babasahin ay tila isang ordinaryong storya lamang ito ngunit kung ito ay susuriin ay mayroong taglay na kagandahan ang nilalaman nito. Mahusay ang pagkakasulat nito dahil inumpisahan ang kwento sa pamamagitan ng tipikal na pagpapakilala sa pangunahing karakter o ang protagonista. Katulad ng maraming istorya, nilagyan ito ng isang karakter na magbibigay sa ating bida ng problema o tinatawag na kontabida o antagonista sa kalagitnaan ng storya. Ipinakita rito ang pagiging mabuting pinuno ng pangunahing karakter sa kanyang mga nasasakupang lugar. Habang papalapit sa dulo ay nagkakaroon na ng suliranin ang bida kung saan ipinakikita ang kasamaan ng at kung ano ang hakbanging ginawa ng bida para makatakas at maipagpatuloy nito ang kanyang adhikain.
10. BUOD
Si Liongo ay isinilang sa isa sa pitong bayang nasa bayabaying-dagat at naging pinakamahusay na makata sa kanilang lugar sa Kenya. Pinamunuan niya ang Ozi at Ungwana sa Tana Delta at ng Shanga sa Fosa, isla ng Pate. Nagkaroon ng pagbabago sa paraan ng pagpapalit ng pamunuan sa trono at napunta ang buong Pate sa kaniyang pinsang si Sultan Ahmad. At dahil na rin sa kagustuha ni Sultan Ahmad na mawala si Liongo ay ibinilanggo niya ito. Nakatakas siya sa pamamagitan ng paggawa ng ingay ng mga tao sa labas ng bilangguan. Pagkatapos makatakas ay nagtungo si Liongo sa kagubatan at doon nanirahan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso na kalaunan ay nanalo siya sa isang paligsahan ng pagpana. Ngunit ito pala ay patibobg ng hari kaya siya muli ay nabilanggo subalit muli rin namang nakatakas. At may naganap na digmaan na sa huli ay nanalo si Liongo kaya nagpasya ang hari na ipakasl ang anak na dalaga dito at ng mapabilang din si liongo sa kaniyang pamilya. Nagkaroon sila ng anak na lalaki na pinagtaksilan din siya at tuluyang pumatay sakanya.