Tuesday, December 18, 2018

Long Walk to Freedom

Long Walk to Freedom
(Sanaysay mula sa South Africa)
Ni Mielad Al Oudt Allah
Salin ni Marina Gonazaga-Merida
Sinuri nina:
Chua, Jamielyn
Sales, Dixie
Gadoy, Christine
Angeles, John Vincent
Macalinao, Nathaniel
Marcelo, Angelo


1. PAGKILALA SA MAY-AKDA
Ang sanaysay ay akda ni Mielad Al Oudt Allah, ito ay pumapatungkol kay Nelson Mandela na tinaguriang “Father of the Nation”.
Si Nelson Rolihlahla Mandela ay ang kaunaunahang hindi puting presidente ng Timog Africa na nanungkulan mula taong 1994 hanggang 1999. Kilala itong anti-aparheid icon dahil sa pakikipaglaban sa apartheid system o ang sistema ng racial segregation noon ng Timog Africa. Sa kanya ring pag-upo bilang pangulo, nilabanan ni Mandela ang kahirapan at diskriminasyon at isinulong ang rekonsilasyon ng iba’t ibang lahi. Kilala din siyang founding father ng demoskrasya sa Timog Africa.
Taong 1962, inarestong muli si Mandela at nahatulan ng habang buhay na pagkakabilanggo dahil sa pananabotahe at pakikipagsabwatan upang pabagsakin ang gobyerno. Pagkatapos ng 28-taon, inilabas si Mandela sa kulungan noong 1990. Nakipagtulungan siya sa pamahalaan ni President F.W. Klerk upang makapagtatag ng bagong konstitusyon sa Timog Africa. Ito na ang hudyat ng pagkawala ng apartheid. Ang dalawang pinuno ay pinarangalan ng Nobel Peace Prize noong 1993 para sa kanilang kahanga-hangang hakbang sa pagbabago at kapayapaan.
Pumanaw ang dating pangulo ng Timog Africa noong Disyembre 2012, sa edad na 95-anyos dahil sa sakit sa gallstones.
Hanggang ngayon nagsisilbi siyang “Uniting Force” ng South Africa at patuloy na nirrerespeto bilang “Father of the Nation”

2. URI NG PANITIKAN
Ang uri ng panitikan ay isang sanaysay.  ay nagpapakita ng kaisipanat natgtuturo ng aral at maihahalintulad ito sa pagkuha ng may akda (Mielad Al Oudt Allah) ng inspirasyon kay Nelson Mandela at pagkuha ng aral muala sa akdang “Long Walk To Freedom”


3. LAYUNIN NG AKDA
Layunin ni Nelson Mandela sa paggawa ng Sanaysay na “Long Walk To Freedom”ay maibahagi  ang kanyang nararansan sa kanyang buhay at kanyang mga pinagdadaanan at kung paano niya nalagpasan lahat ng problemang kanyang tinahak.
PAGLALAPAT NG TEORYANGPAMPANITIKAN: Mailalapat ang TEORYANG SOSYOLOHIKAL sa sanaysay. Ito ay ang teoryang mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan. Mailalapat ang teoryang ito sa sanaysay dahil ayon dito, lumaki si Nelson Mandela sa lipunang naniniwalang ang mga “puti” ay nakahihigit na lahi dahil sa kadahilanang sila ay “puti”. Ang kaisipang ito ay naikintal sa mga tao at kalaunan ay naipalimot na sa kanila ang kinilang kalayaan. Diskriminasyon ang tinatalakay sa kaisipang ito.
TEORYANG HUMANISMO ang teoryang na ang tao ang sentro ng daigdig. Binibigyang-pansin ang kakayanan o katangian ng tao sa maraming bagay. Mailalapat ang teoryang ito dahil pumapatungkol ang sanaysay kay Nelson Mandela na isang bayani kung maituturing, dahil naging mulat siya sa apartheid sa kanyang bayang Africa, na nagsimula sa Bantu Education Act na paghahati-hati batay sa lahi, at nagtapoos sa diskriminasyong panlipunan, panghustisya, at pampolitika.

TEORYANG EKSISTENSYALISMO na kung saan ang tao ay may malayang pagpapasya. Dahil si Nelson Mandela ay malayang nagging kaunaunahang president ng South Africa na itim. Nagpasya siyang ipaglaban ang kanilang lahing mga itim na pantay lang dapat ang pagtingin sa kanila at sa mga puti, walang nakahihigit at walang nakabababa.
Dahil hindi siya nagpaapekto sa mababang pagtingin sa kanilang mga itim kahit ito ang kinalakihan niyang lipunan.
TEORYANG REALISMO ang katotohanan ang binibigyang-diin. Makikita ang paglalapat ng teoryang ito sa bahagi kung saan binanggit sa sanaysay na si Mandela ay hindi nagmula sa mayamang pamilya, walang labis na pribilehiyo. Bagkus, kinailangan niyang magtrabaho araw-araw para makamit kung ano siya ngayon. Pinapakita na sa totoong buhay ay kailangan mong paghirapan ang mga bagay na gusto mong makamtan dahil walang sarap kung walang hirap.
Makikita rin ang paglapat ng teoryang ito sa bahagi kung saan siya ay diniskrimina, sa bahagi ng sanaysay kung saan nagtapos siya ng Bachelor of Arts sa Unibersidad ng South Africa, at kalaunan ay pinamahalaan ang sariling kompanya ng panananggol (law firm) sa Johannesburg na nagbigay ng mababa at libreng serbisyong legal sa mga “itim”na kadalasang walang tagapagtanggol. Sa bahaging ito ng sanaysay pinapakita na sa totoong buhay ay may diskriminasyon o apartheid sa Africa na hindi maiiwasan dahil likas sa ating mga tao ang maging mapanghusga.

4.TEMA O PAKSA NG AKDA
Una ang librong ito ay makakabuluhan sapagkat makikita mo kung paano lumaki si nelson mandela sa lipunang naniniwalang ang lahi ng puti ay nakakahigit sa lahi ng mga itim at kakikita rin sa libro ang magpapahirap ng “puti” sa lahi ng mga “itim”.
Pangalawa ito ay napapanahon sa ating lipunan dahil madalas ay may diskriminasyong nangyayari sa loob at sa labas n gating bansa.

5. MGATAUHAN KARAKTER SA AKDA
A. Nelson Mandela
   i. Siya ay isang anti-apartheidervolutionary, lider ng pulitika at pilantropo ng South Africa mula 1999. Siya ang unang itim na pinuno ng bansa at ang unang inihalal. Siya ang nagsilbing inspirasyon ni Mielad Al Oudt Allah sa paglikha ng sanaysay.
B. Gadla Henry Mphakanyiswa
i. Siya ang Ama ni Nelson Mandela na siyang pinuno ng bayan ng Mrezo. Ang maagang pagkamatay ng kanyang ama ay isa sa mga dahilan kung bakit kinailangan ni Mandela na iwan angkinagisang nayon at mamuhay sa bagong kapaligiran.
C. Noqaphi Nosekeni
 i. Siya ang Ina ni Nelson Mandela. Ang kagustuhan ng kanyang ian na magkaroon siya ng magandang kinabukasan ay ang kanyang ina na magkaroon siya ng magandang kinabukasan ay isa rin sa mga dahilan kung kinakaylaingan ni Mandela na iwan ang kinagisnang at mamuhay sa bagong kapaligiran.
D. Gobernador Mqhkezweni
 i. nakaimpluwensiya kay Nelson Mandela sa diwa ng demokrasya na nangangahulugan ang lahat ay pantay-pantay


6.TAGPUAN/PANAHON
  Ang mga pangyayari ito ay nagapan sa south Africa noong  1945 ng hindipa pantay pantay ang tingin ng puti sa lahi ng itim

7. NILALAMAN
Ang a Long Walk to Freedom ay isang sariling talambuhay ni Nelson Mandela, ito ay tungkol sa kanyang kabataan na walang kalayaan dahil sila ay "itim" at hanggang sa kanyang pagiging isang mabuting pangulo ng South Africa, ito ay tungkol na rin sa kanyang mga naging  ambag sa tagumpay at itinuturing na isang panawagan sa iba pang bansa sa daigdig na sikaping makamit ang sariling tunay na kalayaan.

8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
Ang akdang tungkol sakaniya ay naghahatid ng isang praktikal na kaisipan. Mababasa mo sa akda kung gaano ka totoo si Mullah. Siya ay isang mangkukukwento ng katatawanan at pinangangatawanan niya ito sa totoong buhay. Dapat pantay pantay ang lahat kalayaan ng isa kalayaan ng lahat Hindi dapat binabasi ang kapangyarihan sa kulay ng tao Ang bawat isa ay may potential na umusbong sa buhay nag hihintay lang ito ng tamang panahon

9. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
Epektibo ang paggamit ng mga salita ng manunulat sa akdang Long Walk To Freedom, napatunayan niyang tumpak ang mga ito dahil sa mga pangyayaring kanyang inilahad sa bawat talata.
Wala naman sa akda na pinakitang may mas kinakampihan sa akda, tila hindi maiiwasan na maisip kung ang manunulat ay gumigilid kay Nelson Mandela na gumugustong lumaban para sa kalayaan ng mamamayan ng South Africa, at ipakita na hindi dapat mas nakakahigit ang mga “puti” kung ang kadahilanan lamang ay “puti” sila, dahil patungkol naman talaga dito ang akda.
Sa kabila ng kapayakan ng mga ginamit na salita, nanatiling malalim ang nilalaman at masining ang pagkakagawa ng tula.

10. BUOD
Habang dumaan ang mga dekadang nakakulong, hindi nawala ang kalakasan ni Mandela kahit na nagpatuloy ang kanyang mga kahirapan kahit na sumobra pa ito nung sya ay nakakulong. Ang katayuan ni Nelson ay tumaas hanggang sya ay naging lider ng kanyang mga galaw. Ang katayuang kanyang nakuha ay napasabak sa iba ibang pagsubok habang lumalapit ang kanyang pagkalaya na magtutungo sa pagkahanap ng paraan upang manalo na makakatulong para hindi magalaw ang kanyang bayan at mga dito. Sa dakong huli, dahil ang kaniyang kabataan ay puspos ng kaniyang pagmamahal sa mapanghapan at naisasakatuparang mga imposible, itinakda niya sa sarili ang hangaring nagging kaibuturan ng kaniyang buhay; ang ipagtanggol at ipaglaban ang Kalayaan ng South Africa

Si Nelson Mandela ay isang abogado sa South Africa na sumali sa African National Congress noong 1940 na kung saan ang marahas na batas na nasa ilalim ng Apartheid system ay nagpapatunay na wala itong silbi sa kanyang mga kalahi. Si Nelson Mandela ay nagging simbolo sa pagkakamit ng Kalayaan ng mamamayan sa South Africa. Ikinulong siya nang 27 taon sa Robben Island dahil sa pagiging pinuno ng African National Congress sa panaho ng apartheid.

No comments:

Post a Comment