Monday, December 3, 2018

Ang Aking Pag-ibig

ANG AKING PAG-IBIG
“How Do I Love Thee?” (Sonnet XLII)
Isang Tula mula sa Inglatera
ni Elizabeth Barret Browning
Isinalin sa Filipino ni Rufino Alejandro
Pangkat 2
Sinuri nina:
Mallare, Kriztel
Chua, Jamielyn
Almonte, Aaron
Marcelo, Angelo
Rupero, James

1. PAGKILALA SA MAY-AKDA

Si Elizabeth Barrett Browning ay ipinanganak sa Coxhoe Hall, Durham, England noong 1806. Isa din siyang makata ng kilusang Romantisismo. Siya ang panganay sa mga magkakapatid. Ang kanyang mga magulang ay nagmamayari ng isang plantasyon ng asukal. Ang kanyang mga magulang ay sina Edward Barrett Moulton Barrett (Tatay). Siya ay nagaral lamang sa bahay. Sa edad na 10 ay nakapagbasa siya ng mga pahayag galling sa Paradise Lost at ang ilan sa mga Shakespearean plays. Noong siya’y labingdalawang taong gulang na ay nakapagsulat siya ng isang mahabang tula na naglalaman ng apat na libro na magkakatugma ang mga salita. Lumipas ang dalawang taon at nadiskubre na may diperensya ang kaniyang baga na habang buhay na niyang dadalhin. Sinubukan ng mga doctor na gamotin ito ng morphine na kanyang gagamitin hanggang sa dulo ng kaniyang buhay. Noong labinlimang taong gulang siya ay nakaranas siya ng spinal injury. Sa kabila ng lahat ng ito ay ipinagpatuloy pa din niya ang kaiyang pagaaral. Sa kanyang pagkadalagay ay natuto siya nagmagbasa ng Hebreo para maintindihan niya ang Lumang Tipan ng Bibliya; ang kanyang interest ay naghikayat sa kanya na magaral din ng Griyego. Naging aktibo siya sa Bible and Missionary Society sa kanyang kinabibilangang simbahan.

Noong 1826, si Elizabeth ay naglabas ng kaniyang koleksyon na An Essay on Mind and Other Poems. Makalipas ang dalawang taon, ang kaniyang ina ay namatay. Ang mabagal na pagtanggal ng pangaalipin sa Inglatera at hindi maayos na paghawak sa plantasyon ay siyang nagdulot ng pagbaba ng kita nito at noong 1832 ay ibinenta ng kaniyang tatay ang luma niyang lupain. Lumipat sila ng lugar at rumenta ng cottages sa loob ng tatlong taon bago sila nanirahan sa London. Habang namumuhay sila sa dagat, si Elizabeth ay naglabas ng saling Ingles ng her Prometheus Bound (1833) ni Aeschylus na isang Greek dramatist.

Naging sikat ang kanyang mga likha noong 1830 at patuloy siyang nanirahan sa bahay ng kaniyang tatay sa London. Ipinadala ng tatay niya ang kaniyang mga nakakabatang kapatid sa Jamaica para tumulong doon sa kanilang family’s estates, Tinutulan ni Elizabeth ang pangaalipin ng kaniyang tatay at ayaw niyang mapahiwalay sa kaniyang mga kapatid. Isinulat din niya ang The Seraphim and Other Poems (1838) na nagpapakita ng Kristiyanong sentiments sa paraan ng klasik na Griyegong trahedya. Dahil nanghihina na ang kaniyang katawan ay napilitan siyang mabuhay ng isang taon sa dagat ng Toquay kasama ang kaniyang kapatid na si Edward. Nalunod si Edward makalipas ang isang taon habang naglalakbay sila sa Torquay at si Elizabeth ay umuwi sa kanilang bahay na may emosyonal na dinadamdam, inbalido at ligtas. Gumugol niya ang kaniyang limang taon sa kaniyang kwarto lamang at nagpatuloy siyang magsulat. Noong 1844 ay nagprodyus siya ng koleksyong na tinatawag na Poems. Ito ay pumukaw ng atensyon ni Robert Browning na pinuri ni Elizabeth ang mga gawa ni Robert at sinabi nila ito sa isa sa mga tula niya at sumulat si Robert ng liham para kay Elizabeth.
Si Elizabeth at Robert ay nagpalitan ng 574 na liham sa loob ng dalawampung buwan. Sa palabas na The Barretts of Wimpole Street ni Rudolf Besier (1878-1942), ang pagiibigan nila ay tinutulan ng tatay ni Elizabeth dahil ayaw niyang maikasal ang isa sa mga anak niya. Noong 1846 nanirahan na sila sa Florence, Italy kung saang ang kalusugan ni Elizabeth ay nagbago at nagkaroon sila ng anak na nagngangalang Robert Wideman Browning. Ang kanyang tatay ay hindi na muli niyang Nakita. Ang Sonnets from the Portuguese ay inaalay niya sa kaniyang asawa at isinulat niya ito pasikreto bago ang kasal na inilabas noong 1850.Ang mga kritiko ay kinokonsidera ang Sonnets—isa sa mga kilalang koleksyon ng pagibig na liriko na nakasulat sa Ingles.


2. URI NG PANITIKAN

Isang tulang pandamdamin o liriko. Ang orihinal na tula na may pamagat na How Do I Love Thee? Ay nagtataglay ng labing-apat na taludtod at may sukat na sampung pantig ang bawat taludtod. Ito ay halimbawa ng soneto. Nag-iba lamang ang anyo nito nang isinalin sa Filipino ngunit napanatili nito ang diwa ng tula.
Bukod sa soneto, ilan pang uri ng tulang pandamdamin ay oda, dalit, at elehiya.

3. LAYUNIN NG AKDA

Layunin nitong ipabatid kung gaano kalaki ang pagmamahal niya sa taong kanyang iniibig, na kahit sa kamatayan ay mamahalin niya pa rin ng lubos ang taong pinararatingan niya ng tula.
PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN: Mailalapat ang teoryang romantisismo sa tula. Ang teoryang Romantisismo na nakabatay sa kasaysayan at paghanga sa kagandahan ay nagpapakita ng napakaraming pagbabago na naganap sa panitikan. Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay sa mga paksang pag-ibig, mga awit at korido na ang pinaka paksa ay buhay-buhay ng mga prinsesa at prinsipe. Mailalapat din dito ang teoryang humanismo na nagpapakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.


4. TEMA O PAKSA NG AKDA

Tumutukoy ang tula sa tunay na pag-ibig. Ito ang isang bagay na tinuturing na nagpapa-ikot sa buhay ng tao. Ito rin ang sanhi ng maraming kabiguan at paghihimutok. Ngunit, anupaman ang maihambing sa pag-ibig, ito pa rin ang magsisilbing inspirasyon ng bawat tao upang mabuhay at magpatuloy sa buhay. Pinapahayag lamang ng tula na hindi sapat ang lahat ng bagay sa mundo upang malaman ang kadahilanan kung bakit nagmamahal ang isang tao. Kung isa-isahin man ito, ang listahan ay walang katapusan dahil ang pag-ibig ay buhay. At tulad ng sabi ng tula, kahit sa kamatayan ay magpapatuloy pa rin ang pag-ibig dahil wala itong hanggan kahit kamatayan pa man.


5. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA

Mayroong dalawang persona sa tula, ito ay ang:

a. UNANG PERSONA (ANG UMIIBIG)
Ang taong nagsasalita ng mga wika sa tula. Ipinapahayag ng Umiibig ang kanyang pagmamahal at pagsinta sa taong kanyang iniibig sa pamamagitan ng pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig, ang kalakasan at katamisan nito, at ang paghahambing nito sa iba’t ibang bagay tulad ng kaluluwa, liwanag, lalaki, bayani, at isang musmos.

b. IKALAWANG PERSONA (ANG INIIBIG)
 Ang taong pinapahayagan ng taong Umiibig sa tula o ang taong nais paratingan ng tula. Ang Iniibig ang nakikinig o nakakabasa sa mga pinapahayag o sinasalarawan ng Umiibig tungkol sa katamisan at kagandahan ng pag-ibig at ang paghahalintulad nito sa mga iba’t ibang bagay upang maipakita at mapatunayan sa kanyang umiibig ang pagmamahal at pagsinta nito sa kanya.


6.TAGPUAN/PANAHON

Nabanggit sa unang talata na “Ang Sonnets from the Portuguese ay inaalay niya sa kaniyang asawa at isinulat niya ito pasikreto bago ang kasal na inilabas noong 1850. Ang mga kritiko ay kinokonsidera ang Sonnets—isa sa mga kilalang koleksyon ng pagibig na liriko na nakasulat sa Ingles.” Ito ay naganap noong 1850, matagal na panahon mula ngayon, ngunit ang mga nilalaman ng tula ay maaaring nagaganap pa rin sa kasalukuyang panahon na walang tiyak na oras o lugar.



7. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

Kung iyong babasahin ang tula, naglalaman ito ng mga salitang nagpapatunay kung gaano kalalim ang pagmamahal ng unang persona sa kanyang iniibig, makikita rin dito na kahit kamatayan ay hindi makapipigil sa pagmamahal niya sa kanyang iniibig. Nagsimula ang tula sa tanong o sa nais ng ikalawang persona na mabatid kung paanong siyang pinakamamahal ng unang persona, sumunod ay ang pag hahalintulad niya ng kanyang pag-ibig sa iba’t ibang bagay, o ang paggamit ng tayutay hanngag sa umabot sa kamatayan, na kahit tumigil ang kanilang paghinga ay patuloy niya pa rin itong mamahalin.


8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Ang pag-ibig ay magpakailanman.
Handang gawin ang lahat para lamang sa kanyang iniibig
Ang pag-ibig niya ay ang kanyang lahat-lahat.
Pag-ibig niya’y tunay at totoo
Walang kamatayan ang pag-ibig ng unang persona para sa ikalawang persona.




9. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA

Epektibo ang paggamit ng awtor sa mga matatalinhagang salita na nakapukaw sa damdamin ng mga mambabasa. Nakatulong din ang paggamit ng iba’tibang uri ng tayutay, mas lalo nitong nabuo ang karikitan ng tula.


10. BUOD

Sa pagkakasalaysay ng tula, nais malaman ng taong Iniibig kung bakitsiya ang napiling mahalin ng taong Umiibig. Sa pangyayaring ito, tinanong ng Umiibig ang Iniibig kung batid ba nitong malaman ang gaano siya nito kamahal.Bagamat maraming paraan upang maipahayag ang mga ito, minabuting isa-isahin ng Umiibig ang kanyang mga kadahilanan sa pagmamahal nito sa taongIniibig. Inihalintulad ng Umiibig ang kanyang pagmamahal at pagsinta sa Iniibigsa kaluluwang malayang nakakalipad at nais marating ang mga lugar na hindilubos-maisip, sa liwanag at sa dilim, sa malayang lalaking hindi paaapi, sabayaning di ininda ang papuri, sa banal na nanamlay kung wala at sa kamatayankung ang pag-ibig ay wala. Sa bandang huli, pinahayag ng Umiibig ang lubosniyang pagmamahal sa Iniibig nang ipahayag nitong ang pag-ibig niya ay siyanglahat ng mabubuting kadahilanan sa mundo na hanggang kamatayan, patuloy parin ang pagdaloy at pag-usbong.

No comments:

Post a Comment