Monday, December 3, 2018

                        PAGBABANYUHAY
                                   (Tula)
                         ni Jaroslav Seifert
            Sinuri ni Eunice Erika Macapagal

1. PAGKILALA SA MAY-AKDA

Si Jaroslav Seifert ay isang Nobel Prize-winning na manunulat ng Czechoslovak, makata at mamamahayag. Noong 1949 iniwan ni Seifert ang pamamahayag at nagsimulang italaga ang kanyang sarili lamang sa literatura. Ang kanyang tula ay iginawad sa mahalagang mga premyo ng estado noong 1936, 1955, at 1968, at noong 1967 siya ay itinalagang Pambansang Artist. Siya ang opisyal na Tagapangulo ng Union ng Czech Writer's ng maraming taon. Noong 1977 siya ay isa sa mga signatoryo ng Charter 77 sa pagsalungat sa gobyerno ng Czechoslovak Socialist Republic. Siya ay naninirahan bilang isang mamamahayag hanggang 1950, ngunit ang kanyang unang aklat ng tula, ang Město v slzách ("Town in Tears"), ay inilathala noong 1920. Ang kanyang maagang proletaryong tula ay sumasalamin sa kanyang mga inaasahan sa kabataan para sa kinabukasan ng komunismo sa Unyong Sobyet. Gayunpaman, habang siya ay nagtapos, ang Seifert ay naging mas kaakit-akit sa sistemang ito ng pamahalaan, at ang kanyang mga patula na tema ay nagsimulang lumago.

2. URI NG PANITIKAN

Ang akdang Pagbabanyuhay ay isang tula. Ang tula o poem ay isang anyo ng panitikan kung saan binubuo ito ng taludtod o verse at saknong o stanza sa wikang Ingles. Ito ay nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, o ginagawa ng isang tao sa pamamagitan ng paggamit ng mga maririkit na salita. Ito ay nakatuon sa paglipas ng panahon at ang motibo ng kamatayan pati na rin ang mga alaala ng mga araw ng pagkabata, mga nagmamahal sa unang bahagi, at mga pangyayari sa buhay. Ang mga madalas na tema ng mga tula ni Jaroslav Seifert ay mga alaala ng kaniyang pagkabata at ang kaniyang lugar ng kapanganakan na sa Zizkov, isang lunsod ng Prague kung saan bahagi noon ng Austria-Hungary. Ang mga akda na isinulat ni Jaroslav Seifert ay mga tula at ang ilan sa mga akda niya ay ang Město v slzách ("Town in Tears") noong 1921, Samá láska noong 1923, at ang Básně (“Poems”) noong 1929.

3. LAYUNIN NG AKDA

Ang akda ay naglalayong ipabatid sa mga mambabasa ang tungkol sa pagbabagong anyo ng buhay at paglipas ng panahon. Sinubukan ni Jaroslav Seifert na subukan naman ang ibang tema at magbago ng estilo sa pagsulat ng tula at sa pamamagitan iyon ng paglayo muna sa propagandista at ideyolohikalal at mas pinag tuunan niya ng pansin ang mga paksang tungkol sa pag-ibig.


Mailalapat ang TEORYANG SIKOLOHIKAL sa tulang Pagbabanyuhay. Ito ay teoryang naglalayong maipakita ang takbo ng isip ng may katha. Antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan, pinahahalagahan, at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda. Maaari ding mailapat ang TEORYANG BAYOGRAPIKAL sapagkat higit mong mauunawaan ang tula kung aalamin mo ang mga karanasan at napagdaanan ng may-akda upang maisulat niya ang akda. Kung susuriin mong mabuti ang akda ay makikita at maiintindihan mo ang tumatakbo sa isipan ng may-akda at kung paano niya naisulat ang tulang Pagbabanyuhay at iyon ay dahil sa kaniyang mga karanasan sa buhay.

4. TEMA O PAKSA NG AKDA

Ang paksa ng tulang Pagbabanyuhay ay tungkol sa pagbabago ng anyo ng buhay, paglipas ng panahon, at pagmamahal. Inilarawan sa akda ang pagbabago ng buhay habang lumilipas ang panahon.

5. MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA

Ang persona sa tula ay ang may-akda na si Jaroslav Seifert. Ipinahahayag sa tula ang kanyang damdamin ukol sa pagbabago ng buhay at paglipas ng panahon.

6. TAGPUAN/PANAHON

Nabanggit sa unang talata ang “Naghunos na palumpong sa tagsibol ang binata” kaya maaaring ang panahon nito ay tagsibol. Naisulat ni Seifert ang tula noong 90’s kung kalian siya nagsimulang magsulat ng mga tulang pumapaksa sa pag-ibig at mga pangyayari sa buhay.

7. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

Kung susuriin mong mabuti ang tula ay mapagtatanto mo rito na ang katuturan ng karanasan at istorya’y hindi ang pagtanda kundi ang pagtamo ng mga aral sa iyong mga pinagdaaan noong iyong kabataan.

8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Ang kaisipang nakapaloob sa akda ay ang pagbabago ng buhay. Habang tumatagal ay nagpapakita rin ito ng transpormasyon mula kabataan hanggang pagtanda.

9. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA

Masining ang pagkakasulat ng tula sapagkat ginamitan ito ng may-akda ng mga matatalinghagang salita gaya ng naghunos, nagbanyuhay, naghuhunos, at marami pang iba. At mas napaganda pa ang tula dahil ginamitan ito ng mga tayutay na nakadagdag upang maging masining pa lalo ang akda. Ginamitan ito ng tayutay to upang sadyang ilayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita at upang maging kaakit-akit at mabisa ang pagpapahayag. Ang ilan sa mga salitang binanggit sa tula ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mga mambabasa. Gumamit ang may-akda ng angkop at maririkit na salita na nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa.

10. BUOD

Ang tula ay tungkol sa pagbabago ng anyo ng buhay. Makikita rito sa akda ang isang taong magmula sa kaniyang kabataan ay unti-unting tumanda at natutong umibig.

1 comment: