Awit ng Ina sa Kaniyang
Panganay:Awitin ng Panghehele ng mga Taga-Didinga/Lango
Isinalin ni Marina Gonzaga-Merida
Mula sa salin ni Jack H. Driberg sa isang tula mula sa Uganda
Sinuri nina: Xavier Impuerto, Ruxsun Abasyal, Cyril Rockwell, Noriel Remolacio, Leyannah Ibardolaza( Pangkat 5 ng Baitang 10 - Krypton)
1. Pagkilala sa may-akda
Ang teksto ay
nagsimula sa Uganda,Africa. Na isinalin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Ang
kadahilanan kung bakit nya ito ay naisulat dahil isa syang anthropologist o
nakatuon ang pag-aaral sa kultura ng iba’t ibang lahi ng tao,dahil isa syang
anthropologist ay kailangan nyang magpalipat lipat ng lugar kaya nung minsan ay
nadestino sya sa Uganda ay napansin nya ang mga kababaihan sa Africa ay
lumilikha ng mga tulang kanilang inaawit.Hitik ito sa matatamis at magigilaw na
mga salita at ito ay inuulit-ulit upang magsilbing pang-aliw at pampaamo sa
anak.Ito ay isa sa nakaugalian ng tribong Lango o Didinga ng Uganda
Sila ay
naniniwalang ang kanilang mga supling ay tila imortalidad ng kanilang mga
magulang.
2. Uri ng panitikan
Ang uri ng panitikan ng "Awit
ng ina sa kanyang panganay" ay TULA. Ang tulang ito ay binibigkas ng
paawit dahil ito ay isang “cradle song" o pang hele na ginagamit pampatulog
ng bata. Ito ay tulang malaya. Ang tulang malaya ay uri ng tula na may
taludturan ngunit walang sukat at tugma.
3. Layunin ng akda
Ang layunin ng akdang ito ay ipakita walang hanggang pangarap at
pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak kahit na ito ay walang kamalay malay
palang.
PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN: Ang teoryang pampanitikan na aming mailalapat ay ang teoryang humanismo dahil makikita sa akdang ito na ang pokus ay tungkol sa kagitingan at lakas ng isang tao. Tulad ng sa mga linya na: "Nagniningning ang talino sa iyong mga mata", "Kaninong espiritu ang nananahan sa iyo, munting mandirigma" at "Hinugasan nila ang iyong katawan at binalutan ito ng kariktan".
4. Tema o paksa ng akda
Ang mga paksa ng akda ay ang mga
sumusunod: pagpapakita ng walang hanggang pagmamahal ng ina sa kaniyang anak,
pagpapakita ng malaking pangarap ng isang ina sa kaniyang anak.
5. Mga tauhan/karakter sa akda
Ang Ina – Siya ang gumawa ng hele para sa
kanyang panganay na anak. Mataas at napakalaki ng mga pangarap niya para sa
kaniyang mga anak. Wala siyang ibang hinangad kundi kabutihan lamang para sa
kaniyang anak.
Ang sanggol – Siya ang panganay na
anak at pinapangarap ng kanyang ina na maging isang mandirigma at kilalanin ng
ibang tao
6. tagpuan/panahon
Ang
tagpuan ng akdang ito ay sa tahanandahil dito kinakausap ng ina ang kanyang
sanggol nangmataimtim. At ang tulang ito ay nanggaling sa uganda , ang akdang
ito ay pagmamay ari ng uganda na isinalin lamang sa Ingles at sa Tagalog.
7. nilalaman o balangkas ng mga pangyayari
Pangunahing pangyayari – kinausap ng ina ang kanyang anak at
kung paano niya ito ilarawan ng katangina ng isang mandirigma nanamumuno sa
kalalakihan.
Tunggalian – tunggalian sa sarili
Pagtaas ng
pangyayari –pag-iisip ng ina ng magandang pangalan sa sanggol na hindi dapat
ikakahiya dahil ito ang kanilang panganay na anak.
Kasukdulan
ng pangyayari - ang paglalarawan ng ina sa anak na para bang isa itong napakaespesyal na
sanggol at paghehele ng ina sa anak.
Kakalasan/pababang
aksyon - SINASABI NG
INA KUNG GAANO SILA KAMAHAL NG AMA NG KANYANG PANGANAY.
WAKAS NG
PANGYAYARI – ANG WAKAS AY SINASABI NG INA KUNG GAANO ITO NAGIGING INSPIRASYON PARA SA
KANYA AT KUNG GAANO ITO NAGBIBIGAY NG LAKAS AMA UPANG MAIPANALO ANG LABAN SA
DIGMAAN.
8. Mga
kaisipan o ideyang taglay ng akda
Ang mga kaisipan na tinataglay ng
akda ay ang mga sumusunod:
- · Lubos na minamahal ng isang ina ang kaniyang anak.
- Malaki ang pangarap ng isang ina sa kaniyang anak.
- Labis ang tuwa ng isang ina sa pagkakaroon ng isang anak.
9. Estilo ng pagkakasulat ng akda
Makikita na epektibo ang paraan ng
pagkagamit ng mga salita dahil maayos at gumamit din ito ng mga matatalinhagang
salita upang mas maintindihan ng mga mambabasa ang tunay na mensahe ng tula.
Walang pinipili sa tulang ito dahil
ito ay masining sapagkat naayon ang paraan ng pagkasulat nito batay ng pagsulat
ng tula gumamit din ito ng tayutay.
Oo. Masasabi ko na ang akdang Hele
ng ina sa kanyang Panganay ay masining sapagkat, ito ay hindi lamang isang
tulang akda na may himig at naglalayong magpatulog ng isang anak kundi, ito ay
isang tulang akda na nais magpaabot ng pagmamahal sa isang anak sa pamamagitan
ng pag awit.
10. Buod
ang tula ay umiikot sa hindi mapantayang kaligayahan ng isang ina sa
pagsilang ng kanyang panganay. Siya ay MAY LABIS NA KAGALAKAN SA KANYANG UNANG
SANGGOL NA MAY HANGAD NA MAGING ISANG MAGITING NA MANDIRIGMA AT MAGBIGAY NG
MARKA o TANDA SA MARAMI. SA KANYANG SANGGOL NIYA NAHANAP ANG KANYANG IDENTIDAD
BILANG Isang tao.
Ano po ang ibigsabihin ng linya na "Paano kita pangangalanan, aking inakay? Ikaw ba'y lahi na iyong lahi o naiibang lahi?"
ReplyDeleteSecret
ReplyDelete