PAGLISAN (Things Fall Apart, Isang Nobela mula sa
Nigeria)
ni Chinua Achebe
Ibinuod at Isinalin sa Filipino ni Julieta Rivera
Sinuri ng mga mag-aaral mula sa sekyon ng Krypton
ni Chinua Achebe
Ibinuod at Isinalin sa Filipino ni Julieta Rivera
Sinuri ng mga mag-aaral mula sa sekyon ng Krypton
Miyembro:
Jona Alessandra Turalba Aizzie Mae Loquero
Kate Frances Gregorio Mariel Rotone
1. PAGKILALA SA MAY AKDA
Si
Chinua Achebe ay ipinanganak noong Nobyembre 16, 1930 sa bansang Nigeria. Ang
kanyang mga magulang ay sina Isaiah Okafo Achebe at Janet Anaenechi Iloegbunam.
Ang pamilya ng Achebe ay may limang iba pang mga anak na nabuhay, na
pinangalanan sa isang katulad na pagsasama ng tradisyonal na mga salita na may
kaugnayan sa kanilang bagong relihiyon. Si Chinua Achebe ay namatay noong Marso
21, 2013 sa edad na walumpu’t tatlo. Maraming siyang likhang na mga nobela
katulad ng “Things Fall Apart”, “No
Longer at Ease”, “Arrow of God”, at “A Man of the People”.
Si
Chinua Achebe ay isa sa pinakadakilang taga-gawa ng nobela mula sa Nigeria. Ang
kanyang mga nobelang isinulat ay para sa mga Aprikanong tagapakinig. Habang
nagtatrabaho para sa Nigerian
Broadcasting Corporation, binubuo niya ang kanyang unang nobela na
pinamagatang “Things Fall Apart” na
ang kuwento ay isang tradisyunal na mandirigma na hindi makaka-angkop sa
pagbabago ng mga kondisyon mula sa literaturang Aprikano,. Ibinenta ito nang
higit sa 20 milyong mga kopya at isinalin sa higit sa 50 mga wika.
2. URI NG PANITIKAN
v Masasabing ang akdang Paglisan ay isang nobela dahil
ito’y nagtataglay ng mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga
pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at
ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang masining na pagsasalaysay ng
maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay
may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at
kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela. Ang Nobela ay
may katangian na pumuna sa lahat ng mga larangan ng buhay, pumukaw ng damdamin
ng mambabasa, ang balangkas ng pangyayari ng mga pangyayari ay tumutukoy sa
kaisahang ibig mangyari,at maraming ligaw na tagpo at kaganapan. Samantalang
may layunin naman itong gumising sa diwa at damdamin ng mambabasa, magbigay aral
tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan, at magsilbing daan tungo sa pagbabago
ng sarili at lipunan.
3. LAYUNIN NG MAY AKDA
REALISMO
Ø Ito ay nasabi naming realismo dahil binigyang diin nito
ang layuning ilahad ang nangyayari sa ating tunay na buhay o ang ating
kalagayan tulad ng diskriminasyon.
Ø Nasabi naming na ito ay realismo dahil sa kuwento na
“Paglisan” ay nagpapakita ito ng diskriminasyon sa pagitan ni Okonkwo (ang
anak) at ni Unoka (ang ama).
Ø Dahil madalas ipinagkukumpara ang anak sa kanyang ama
bilang isang talunan. Pero ipinakita ni Okonkwo na hindi siya katulad ng
sinasabi ng iba na mahina siya at talunan gaya ng kanyang ama.
Ø Pinatunayan niya na kaya niya at siya ay nakapag- lingkod
sa siyam na nayon sa kanilang lugar sa tribo sa Nigeria.
Ø Siya rin ay nakapag pundar ng mga ari-arian na resulta ng
kanyang mga pinaghirapan.
4. TEMA O PAKSA NG AKDA
Ang akda ay mayroong iba't ibang tema,
makikita dito ang pagpili sa pagbabago o pananatili sa kinagisnang tradisyon ng
kanilang tribo, ang tunay na pagpapakahulugan sa pagkalalaki at ang huli ay ang
wika bilang tanda ng pagkakaiba ng ating kultura. Sa ilalim ng unang tema na
'pagpili sa pagbabago o pananatili sa kinagisnang tradisyon' nakita ito sa akda
kung saan pinili ng karamihan sa mga kasapi ng tribo ang sumapi sa
Kristiyanismo na dala ng mga taga kanluranin sa kadahilanang ang mga tao sa
Umuofia ay nasasabik sa mga oportunidad na maaaring iparanas ng mga misyonero
sa kanila. Sa kabilang banda, pinili ni Okonwo na huwag sumali sa pagbabagong
hatid ng mga 'puti' dahil sa siya'y naniniwala na ikakadagdag ito ng kanyang
pagkalalaki at ang tradisyong kanyang kinagisnan ay may malaking papel sa
kanyang pagpapahalaga sa sarili. Sunod naman ay ang temang 'ano ba ang tunay na
pagpapakahulugan sa pagkalalaki?' na kung saan pinili ni Okonkwo na magpanggap
ng kanyang tunay na pagkatao dahil sa nais niyang lamangan ang kaniyang ama na
naniniwalang siya ay mahina. Kung kaya sa loob ng ilang taon siya ay nagsanay
upang patunayan sa kanyang ama na siya ay malakas at may kakayahang mamuno.
Naging daan din ang paniniwalang ito ni Okonkwo upang maging bayolente sa
kanyang mga asawa at pagiging laging galit o malamig ang pakikitungo sa iba
ngunit ang hindi niya alam ay sa patuloy niyang pagpapangap ay nagiging sarado
na ang kanyang isipan. Sa ilalim naman ng huling tema na 'ang wika ay tanda ng
pagkakaiba-iba ng kulutura' pinili ni Achebe na gawin ang akdang ito gamit ang
wikang Ingles at hindi ang kanilang wika dahil ang tunay na intensyon ni Achebe
ay ipabasa ito sa mga Kanluranin at ipamuka ang tunay na 'Nigeria' at isang
daan na para gawin ito ay ang paggamit ng wikang Ingles bilang midyum ng
nobela. Ang paksa ng nobela ay patungkol sa pagpasok ng mga taga- Kanluran
partikular na ang mga misyonerong Briton at kung paano bumagsak o tuluyang
naglaho ang mga kinagisnang tradisyon ng Nigeria.
5. MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA
OKONKWO
– isang matapang at respetado mandirigma
na nagmula sa lahi ng mga Umuofia.
IKEMEFUNA – 15 anyos na lalaki mula sa Mbaino, na ibinigay sa
Umuofia bilang kabayaran sa pagpatay ng isang babae sa Umuofia.
UNOKA
– siya ang ama ni Okonkwo. Sa kabila ng pagiging musikero, siya ay tamad at
iresponsable kaya’t siya ay nalubog sa utang.
OBIERIKA – ang matalik na kaibigan ni Okonkwo na nagbibigay ng
payo rito.
EZINMA
– Anak na babae ni Okonkwo na
nagkasakit.
OGBUEFI EZEUDU – isa sa matatandang taga-Umuofia na lihim na ipinaalam
ang planong pagpatay kay Ikemefuna. Siya ang nagbigay babala kay Okonkwo na
huwag makialam sa planong ito.
UCHENDU – Ang tiyuhin ni Okonkwo na malugod siyang tinanggap sa
Mbanta.
GINOONG KIAGA – isang interpreter.
GINOONG BROWN – lider ng misyonero na kumausap sa mga taga-Mbanta.
REV. JAMES SMITH – isang malupit at bugnuting misyonero na pumalit kay G.
Brown nung ito’y magkasakit.
6. TAGPUAN/PANAHON
UMUOFIA – isang hindi gaanong kilala at kalakihang tribo sa
Nigeria. Dito nakatira si Okonkwo at sa tribong ito binigay si Ikemefuna.
MBANTA
– lugar ng kapanganakan ng ina ni Okonkwo. Dito nagtungo si Okonkwo nung siya
ay lumisan sa Umuofia.
7. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
§ Ang mga pangyayari sa akda ay maaaring
maihalintulad sa mga pangyayare sa ating bansa noong panahon ng pananakop ng
iba’t-ibang bansa.
- Sa kahabaan ng nobela naipakita ang iba’t-ibang antas ng emosyon sa
pamamagitan ng mga persona.
- Sinimulan ng may-akda ang istorya sa pamamagitan ng pagpapakilala sa
pangunahing tauhan at pagtalakay sa problema o ‘conflict’.
- Naging malinaw ang nobela sapagkat maayos na napagkasunod-sunod ang
mga pangyayari sa kuwento.
- Ang mga pangyayari sa akda ay maaaring maihalintulad sa mga
pangyayare sa ating bansa noong panahon ng pananakop ng iba’t-ibang bansa.
- Sa kahabaan ng nobela naipakita ang iba’t-ibang antas ng emosyon sa
pamamagitan ng mga persona.
- Sinimulan ng may-akda ang istorya sa pamamagitan ng pagpapakilala sa
pangunahing tauhan at pagtalakay sa problema o ‘conflict’.
Naging malinaw ang nobela sapagkat maayos na
napagkasunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento.
8.
MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
“ Ang tunay na tagumpay ay makakamit lamang kung ikaw ay tunay na nagsisikap at hindi
dahil sa swerte lamang”
“Kung ating
paiiralin ang pagiging ‘insecure’ sa mga bagay-bagay ito’y makakaapekto sa
ating pagdedesisyon sa buhay”
“Matuto tayong rumespeto sa ibang kultura at huwag
natin itong kutyain”
“Ang
pagpapakamatay o pagpapatiwakal ay isang kasuklaman para sa ibang tao”
9.
ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
10. BUOD
Si Okonkwo ay isang matapang at respetadong mandirigma sa
Umuofia hanggang Mbaino. Ipinamalas niya ang kanyang katapangan upang
mapagtakpan ang nilalaman ng kanyang loob para sa amang si Unoka.Pinamunuan
niya ang siyam na nayon. Dahil dito siya ang kinilalang lider ng kanilang tribo
at siya ang pinili ng mga kanayon upang ipagtanggol si Ikemefuna. Kinuha ang
batang lalaki bilang tanda ng pagkakasundo sa kapayapaan ng Umuofia at isang
nayon matapas makapatay ang ama ni Ikmefuna ng babaeng Umuofian. Habang sila ay
naglalakbay, biglaan sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin,
ngunit nagawang makatakas ng kawawang bata. Humingi ng saklolo si Ikemefuna sa
kay Okonkwo. Habang nasa harapan ng kanyang pinamumunuan kailangan mamili ni
Okonkwo at upang ipakita ang katapangan sa harap ng mga kanayon, pinili niyang
patayin ang bata sa kabila ng paghingi nito ng saklolo. Umuwi si Okonkwo ng mag
isa. Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo matapos sa kanyang pagkakamaling
ginawa.Nagpasya itong tumungo sa kanyang kaibigan na si Obrieka.Lumipas ang mga
panahon, nabalitaan nalamang ni Okonkwo na patay na pala si Ogbuefi Ezeudu ang
matandang nagbigay sa kanyan ng babala tungkol sa pagpaslang kay Ikemefuna. sa
di malamang dahilan,umalingawngaw ng malakas na putok ng baril sa paligid
habang nakaburol si Ogbuefi Ezeudu. Tinamaan ng baril ni Okonkwo
ang labing-anim na taong gulang na anak ng yumao. Napagpasyahan na
ipatapon si Okonkwo at ang kanyang pamilya sa Mbanta. Malugod naman
silang tinanggap ng mga kaanak lalo na ng kanyang tiyuhin na si Uchendu.Matiyagang
kinukuha at inaani ni Obrieka ang mga pananim upang ibenta at ibigay kay
Okonkwo ang kita.Isang masamang balita naman noon ang ipinabatid ni Obierika
nang minsang nagdala siya ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw ng mga
puti ang Abame, isa ding pamayanan ng mga Umuofia. Isang araw may mga
dumating na misyonero sa Mbanta Hindi naglaon, nagkasakit si G. Brown at
pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Habang
isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa hinablot
ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu ito ay katumbas ng pagkitil sa
espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at
ang simbahang itinayo nina Rev. Smith. Ikinalungkot ng komisyoner ng
distrito ang nangyari sa kanilang simbahan at nagpatawag ito ng isang
pagpupulong kasama ang mga pinuno ng mga Umuofia. Sa pulong, ipina-aresto ang
mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at ikinulong. Hindi rin nagtagal ay pinalaya
na ang mga bilango at napagkasunduang tumiwalag. Dahil sa pagaakalang nais ng
mga kaangkan na maghimagsik nagawang patayin ni Okonkwo ang pinuno ng mga
mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya ngunit ang totoo ay hindi pa handa sa
giyera ang mga kaangkan niya.Dahil sa pagkakamaling ito, iimbitahan sana ng komisyoner
si Okonkwo para sa isang pandinig ngunit ngmakita nila si Okonkwo, ito ay
natagpuang nakabigti. Nagimbal ang buong nayon sa nangyari sapagkat si Okonkwo
ay kilala dahil sa mga nagawa nito at sa katapangan.
No comments:
Post a Comment