Monday, December 17, 2018

MULLAH


              MULLAH
               (Anekdota)
                                   Sinuri ng Pangkat 1 ng 10-Krypton


1. PAGKILALA SA MAY-AKDA

Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND), ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat.


2. URI NG PANITIKAN

Ang mga akda ni Mullah ay isang Anekdota. Ito ay Isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng isang kawili-wiling insidente sa buhay ng tao na kapupulutan ng aral. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan at ilan dito ay ang


3. LAYUNIN NG AKDA

Ang layunin ng may akda ay upang iparating sa mambabasa na maaring magkaroon ng mga panandaliang saya sa pamamagitan ng anekdota. Ang isanganekdota ay isang kwento ng isang nakakawili at nakakatawang pangyayari sa buhay ng isang tao upang ipabatid ang isang magandang karanasan na maaring kapulutan ng aral. Ito ay magagawa lamang kung ang karanasan ay may katotohanan. 

Mailalapat ang TEORYANG SIKOLOHIKAL. Ito ay teoryang naglalayong maipakita ang takbo ng isip ng may katha. Antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan, pinahahalagahan, at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda. Ipinapakita sa akda ang takbo ng buhay ni Mula Nasserddin kung gaano sia kasikat at kung gaano kabenta sa sang-katauhan ang kanyang mga nakakatawang kwento. Ipinakita rin sa akda kung paano siya angkinin ng iba’t ibang bansa bilang isang mamamayan nila.




4. TEMA O PAKSA NG AKDA

Ang paksa sa anekdota ng Mullah Nassreddin ay tao, mga taong kilala sa ibat-ibang larangan ng buhay. Upang ipabatid ang katangian ng pangunahing tauhan ng anekdota. Pinaksa dito ang naging gawi at kilos ni Mullah Nassreddin.
Ang paksa ng kwento ay patungkol sa katatawanan at ang tema ay totoong nangyari o hango sa nangyarisa tauhan sa kwento. nais nitong patawanin ang mga mambabasa. Ang paksa ng anekdotang Sino ang Iyong Paniniwalaan? ni Mullah ay patungkol sa pagsisinungaling o pagdadamot ng tauhan sa kwento at ang tema ay maaring nangyari o hango sa tunay na nangyari sa tauhan.


5. MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA

Ang pangunahing tauhan ay si Mullah Nassreddin. Isinasaad dito sa kwento ang pagkakakilanlan ni Mullah at tinalakay din dito ang mga anekdota niya.


6. TAGPUAN/PANAHON

Sa Iran ang tagpuan marahil taga dito si Mula Nasserddin at dito rin karamihan ang nabanggit na lugar sa akdang ito.


7. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

Ang nilalaman ng kwento ay nagtatalakay lang sa buhay ni Mullah bilang komedyante o taga kwento ng katatawanan, sinasaad kung gaano siya kasikat o mabenta sa lahat ng tao. Dito rin nabanggit kung paano siya angkinin ng iba't ibang bansa. Sumunod ay ang nilalaman ng kanyang kwento na binubuo ng di pang karaniwang pagkilala sa kasaysayan ng metapisika, isang bahagi ng pilosopiya na nagtatalakay ukol sa kaalaman o pag unawa sa buhay.


8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Upang gumaan ang ating buhay, kailangan natin ng kahit kakaunting katuwaano kasiyahan man lang. Pero may mga pagkakataon na kailangan nating maging seryoso sa isang bagay.








9. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA

Lahat ng mga pangyayari sa anekdota na isinulat ni Mullah ay nagbigay ng kahulugan sa ideyang nais ipadama. Ang isang magandang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkakaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa. Di-dapat mag-iwan ito ng anumang bahid ng pag aalinlangan na may mga susunod pang mangyayari.


10. BUOD

Ang kwentong ito ay nagsasaad lamang ng pagkakakilanlan kay Mullah, Si Mullah Nassreddin ay isang kilalang komedyante o taga kwento ng katatawanan sa libo libong tao. Ngunit, ang kanyang nasiyonalidad ay kasalukuyang inaangkin ng maraming bansa tulad ng Afghanistan, Turkey, at Uzbekistan. Siya ay itinuturing na Iranian ng karamihan. Tinuturing si Mula bilang simbolo ng alamat at isang mito. Ang mga kwento ni Mullah ay binunuo ng di pang karaniwang pagkilala sa kasaysayan ng metapisika, isang bahagi ng pilosopiya na nagtatalakay ukol sa kaalaman o pag unawa sa buhay. Ang kwento niya ay hindi nalalaos at karaniwang naririnig sa barberya o kung saan saan pa.

1 comment:

  1. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga impormasyon.... maraming salamat!

    ReplyDelete