MULLAH
(Anekdota)
Sinuri ng Pangkat 1 ng 10-Krypton
1. PAGKILALA SA MAY-AKDA
Si Mullah Nassreddin na kilala bilang
Mullah Nassr-e Din (MND), ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng
katatawanan sa kanilang bansa. Libo-libong kuwento ng katatawanan
ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan. Tinagurian din
siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno
ng katatawanang estilo sa pagsulat.
2. URI
NG PANITIKAN
Ang mga akda ni Mullah ay isang Anekdota.
Ito ay Isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng isang kawili-wiling
insidente sa buhay ng tao na kapupulutan ng aral. Libo-libong kuwento ng
katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan at ilan dito
ay ang
3. LAYUNIN
NG AKDA
Ang layunin ng may akda ay upang iparating sa
mambabasa na maaring magkaroon ng mga panandaliang saya sa pamamagitan ng
anekdota. Ang isanganekdota ay isang kwento ng isang nakakawili at nakakatawang
pangyayari sa buhay ng isang tao upang ipabatid ang isang magandang karanasan
na maaring kapulutan ng aral. Ito ay magagawa lamang kung ang karanasan ay may
katotohanan.
Mailalapat ang TEORYANG SIKOLOHIKAL. Ito ay teoryang naglalayong
maipakita ang takbo ng isip ng may katha. Antas ng buhay, paninindigan,
pinaniniwalaan, pinahahalagahan, at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng
may-akda. Ipinapakita sa akda ang takbo ng buhay ni Mula Nasserddin kung gaano
sia kasikat at kung gaano kabenta sa sang-katauhan ang kanyang mga nakakatawang
kwento. Ipinakita rin sa akda kung paano siya angkinin ng iba’t ibang bansa
bilang isang mamamayan nila.
4.
TEMA O PAKSA NG AKDA
Ang paksa sa anekdota ng Mullah
Nassreddin ay tao, mga taong kilala sa ibat-ibang larangan ng buhay. Upang ipabatid
ang katangian ng pangunahing tauhan ng anekdota. Pinaksa dito ang naging gawi
at kilos ni Mullah Nassreddin.
Ang paksa ng
kwento ay patungkol sa katatawanan at ang tema ay totoong nangyari
o hango sa nangyarisa tauhan sa kwento.
nais nitong patawanin ang mga
mambabasa. Ang paksa ng anekdotang Sino ang Iyong Paniniwalaan? ni Mullah ay patungkol sa pagsisinungaling o
pagdadamot ng tauhan sa kwento at ang tema ay maaring nangyari o hango sa tunay na nangyari sa
tauhan.
5.
MGA TAUHAN/ KARAKTER
SA AKDA
Ang pangunahing tauhan ay si Mullah
Nassreddin. Isinasaad dito sa kwento ang pagkakakilanlan ni Mullah at tinalakay
din dito ang mga anekdota niya.
6.
TAGPUAN/PANAHON
Sa Iran ang
tagpuan marahil taga dito si Mula Nasserddin at dito rin karamihan ang nabanggit
na lugar sa akdang ito.
7.
NILALAMAN O
BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Ang nilalaman ng kwento ay nagtatalakay
lang sa buhay ni Mullah bilang komedyante o taga kwento ng katatawanan,
sinasaad kung gaano siya kasikat o mabenta sa lahat ng tao. Dito rin nabanggit
kung paano siya angkinin ng iba't ibang bansa. Sumunod ay ang nilalaman ng
kanyang kwento na binubuo ng di pang karaniwang pagkilala sa kasaysayan ng
metapisika, isang bahagi ng pilosopiya na nagtatalakay ukol sa kaalaman o pag
unawa sa buhay.
8.
MGA KAISIPAN O
IDEYANG TAGLAY NG AKDA
Upang gumaan
ang ating buhay, kailangan natin ng kahit kakaunting katuwaano kasiyahan man
lang. Pero may mga pagkakataon na kailangan nating maging seryoso sa isang
bagay.
9.
ESTILO NG
PAGKAKASULAT NG AKDA
Lahat ng mga pangyayari sa anekdota na isinulat ni Mullah ay nagbigay ng
kahulugan sa ideyang nais ipadama. Ang isang magandang anekdota ay nagdudulot
ng ganap na pagkakaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa.
Di-dapat mag-iwan ito ng anumang bahid ng pag aalinlangan na may mga susunod
pang mangyayari.
10.
BUOD
Ang kwentong ito ay nagsasaad lamang ng
pagkakakilanlan kay Mullah, Si Mullah Nassreddin ay isang kilalang komedyante o
taga kwento ng katatawanan sa libo libong tao. Ngunit, ang kanyang
nasiyonalidad ay kasalukuyang inaangkin ng maraming bansa tulad ng Afghanistan,
Turkey, at Uzbekistan. Siya ay itinuturing na Iranian ng karamihan. Tinuturing
si Mula bilang simbolo ng alamat at isang mito. Ang mga kwento ni Mullah ay
binunuo ng di pang karaniwang pagkilala sa kasaysayan ng metapisika, isang
bahagi ng pilosopiya na nagtatalakay ukol sa kaalaman o pag unawa sa buhay. Ang
kwento niya ay hindi nalalaos at karaniwang naririnig sa barberya o kung saan
saan pa.
Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga impormasyon.... maraming salamat!
ReplyDelete