ANG DAIGDIG NG MGA NORDIKO
ni Marina
Gonzaga-Merida
(Halaw mula sa Mito ng mga Eskandinaba)
Sinuri nina Jona Allessandra Turalba, Samantha Ysabel Roxas, Bea Buenaflor, Aivan Mangulabnan at Michael Caday (Group 3 mula sa Baitang 10, Pangkat Krypton)
(Halaw mula sa Mito ng mga Eskandinaba)
Sinuri nina Jona Allessandra Turalba, Samantha Ysabel Roxas, Bea Buenaflor, Aivan Mangulabnan at Michael Caday (Group 3 mula sa Baitang 10, Pangkat Krypton)
1. PAGKILALA SA MAY AKDA
Tinapos
ni Ginang Merida ang kanyang bachelor’s degree sa BSEEd major sa Filipino mula
sa St. Paul University-Manila at cognate sa Women’s Studies sa NURSIA Institute
of Women’s Studies. Kinuha niya ang kanyang pag-aaral ng doctoral sa Edukasyon
na pangunahin sa Pangangasiwa ng Pang-edukasyon sa Philippine Christian
University-Manila.
Mula
noong 1991, siya ay isang Propesor sa Filipino sa St. Scholastica’s College –
Manila. Isa rin siya sa mga nagbahagi ng Social Development Department sa
kolehiyo, Theology, Women’s Studies, at naging pinuno ng Kagawaran ng Wika at
Literatura sa Filipino ng parehong kolehiyo. Naglabas din si Marina
Gonzaga-Merida ng mga aklat-aralin para sa pangunahing edukasyon, pati na rin
ang mga papeles ng pananaliksik na tumutuon sa mga paksa ng wika, kababaihan,
at paglago. Ipinakita niya ang ilan sa kanyang mga likha ditto sa Pilipinas
pati na rin sa iba pang panig ng mundo katulad ng Kathmandu, Nepal,
Johannesburg, South Africa at Harare, Zimbabwe.
Nagpapatuloy
siya sa paglahok sa mga aktibidad na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga
kababaihan, mga bata at mga taong may kapansanan sa pamamagitan ng kanyang
pagtuturo at pananaliksik na gawain pati na rin sa pamamagitan ng mga seminar
at pagsasanay ng kanyang ibinibigay sa pakikipagsosyo sa mga organisasyong
hindi kasapi.
2. URI NG PANITIKAN
Ang
mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na
kuwento o mito, mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o
paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at
nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa na ang
kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan.
May
kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kuwentong-bayan.Ang mito ng mga
Eskandinaba ay kilala rin bilang mitong Nordiko na nagpapasalin-salin sa bibig
ng mga taga Eskandinaba.
Ang kanilang mito ay tinatayang nagmula sa mga Nors na mas kilala bilang
“Mga tao ng Hilaga” Ang mito ay dating inaawit
ng mga Skald o manunulang Nors at makikita sa Edda, ang matatandang
panitikan ng mga Nors.
3. LAYUNIN NG MAY AKDA
ARKITAYPAL
•Dahil
gumagamit ito ng mga simbolo katulad ng ahas na sumisimbolo bilang pasakit sa
mundo, tambuli bilang mga dagat sa mundo, at ang matanda bilang mga yelo sa
mundo. At nakikita rin sa kwento na gumamit sila nang ibat ibang karakter na
paraan para maipakita ang ibat ibang estado sa lipunan.
Ayon
sa akda na aming nabasa ang bangkay ni Ymir ay ang ginamit upang malikha ang
daigdig, ang kanyang dugo ay naging dagat ang kanyang naging laman ang naging
mundo, ang bungo ang naging kalangitan, ang mga buto ang naging kabundukan at
ang kanyang buhok ang naging puno. Ang bagong daigdig na mula sa katawan ni
Ymir ang siyang naging midgard, ang mundo ng mga tao. Ang kilay ni ymir ay
ginamit bilang bakod na pumapaikot sa daigdig ng mga tao.
4. TEMA O PAKSA NG AKDA
Ito
ay makabuluhan dahil dito natin nakikita ang iba’t-ibang likha na mga
mitolohiya upang mas lalo pa natin itong maintindihan at maliwanagan upang
maaari rin tayong makapag-bahagi sa iba ng ating mga kaalaman.
Napapanahon
ito dahil ang mito o mitolohiya ay maaari nating sabihin na mayroon tayo tulad
ng mga paniniwala at mga relihiyon. Dito tayo makakapag-isip kung ito ba ay
nakakatagpo ng mga ganoong pangyayari.
Ang
mga mambabasa ng ganitong uri ng kwento ay maaring maka-ugnay ang kanilang mga
sarili sa kanilang mga binasa na tema. Ang tema ng akda ay ang estado dahil
nakikita sa kwento na gumamit siya nang iba't-ibang karakter na paraan para
maipakita ang ibat ibang estado sa lipunan.
5. MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA
Ang
mga karakter ay hindi talaga nabubuhay sa ating mundong ginagalawan. Ang Edda
ay nahahati sa dalawa bahagi ang Matandang Edda at ang Batang Edda. Dito
inilalahad ang mga paniniwala ng mga sinaunang tao sa hilagang Europa ukol sa
kapaligiran at kanilang relasyon sa mga diyos at diyosa.
Ang
Matandang Edda ay gabay na nagbibigay paliwanag sa mga manunulat at makata ng
ikalawang Edda. Ang Batang Edda ay nagpasalin-saling sanaysay sa kasunod na
henerasyon.
Sa
mataas na antas, makikita ang hanan ng mga diyos o Aesir (Asgard), ng mga
duwende (ang Alfheim), at ng mga Vanir (ang Vanaheim). Sa paggitnang antas ay
makikita ang tahanan ng mga tao (Midgard), ng mga higante (Jotunheim), ng mga
itim na duwende (Svarfaheim), at ng mga duwende (ang Nithavellir). Samantala,
nasa ikatlong anta sang Mupelheim, nagbabagang mundo sa dakong timog ng
rehiyon, at Niflheim na mundo ng mga patay.Lahat ng antas ay pinag-uugnay ng
puno ng Yggdrasil.
6. TAGPUAN/PANAHON
Inilahad
dito na ang mga paniniwala ng mga sinaunang tao sa Hilagang Europa ukol sa
kanilang kapaligiran at kanilang relasyon sa mga diyos at diyosa. Sa ating
panahon ngayon hindi natin masasabi kung magkakaroon tayo ng mga diyos at
diyosa dahil mabilis ang pag-apekto at pagbabago sa lipunan. Matagal na panahon nang naisulat ang mga
mitolohiya ngunit ang mga pangyayari dito ay maaaring maganap saan
mang sulok ng mundo/ ano mang oras o panahon.
7. NILALAMAN
O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Sa aming opinyon na may kakaibang taglay o
kakaibang paraan ang mga mitolohiya
sapagkat ditto natin nakikita na maaaring isa sa atin ay makaugnay sa nilalaman
ng mitolohiya at mayroon din naman na hindi dahil iba ang kanilang paniniwala.
Alam naman natin lahat
na ang mitolohiya ay dati na tayong mayroon nito kaya naman lumawak ng lumawak
ang pagkilala rito kaya maraming kwento ang ating malalaman at may iba iba
itong tema. Kapag makakabasa ka ng isang halimbawa ng mitolohiya maaari kang
makapukaw ng atensyon dahil may iba’t-iba itong mga pinaparating sa mga
damdamin ng mga tao o nang mga mambabasa.
8.
MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
BISA SA ISIP
Ang aming natutunan ay may ibat-ibang uri ng tao sa
ating lipunan at ito ay kaylangan nating tanggapin na tayong lahat ay may pagkaka
iba-iba. Dahil sa gayon mas lalo pa nating maintindihan ang iba’t-ibang
konsepto ng mga mitolohiya.
BISA
SA DAMDAMIN
Pagka-mangha ang aming naramdam dahil naipakita dito
kung papaano nabuo ang daigdig na kinalalagyan natin na ibinibigyang
tuon din ang iba’t-ibang lebel ng mundo ng sa ganun ay maipakita na mayroong
hindi magkakapareho ng estado sa buhay.
BISA
SA ASAL
Ipinakita sa akda na tanggap nila ang ibat-ibang
antas ng pamumuhay sa bansa at ang kanilang mga kasama o mg aka grupo dahil
ditto nagkakaroon sila ng pagkakaisa sa pamamaran ng pagtutulungan o mga
pagkakasundo sa bawat isa.
9.
ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
Sa unang pagbabasa ay tila hindi gaano maiintindihan
ito, ngunit kapag hinimay o sinuri mong mabuti ang babasahin dito mo maiisip at makakapukaw ang mga mahahalagang
bagay na ipinapaloob sa isang mitolohiya. Kapag ito ay nabasa mo makakakuha ka
nang sapat na kaalaman sa istorya na iyong nabasa at magkakaroon ng dagdag kaalaman
patungkol sa mga bagay na nasa kwento.
10.
BUOD
Nagkaroon ng dalawang edda, ang matanda at ang
batang edda. Nilalahad nila ang sinaunang tao sa europa. Meron silang puno na
nahahati sa tatlo, ito ay ang Asgard, Midgard , at Muspelheim dito makikita ang
kanilang pagkakaiba iba dahil sa asgard ang mga nakatira ay diyos, sa Midgard
naman ay mga tao at sa Muspelheim ay ang nagbabagang lugar . Sinasabi dito na
kay ymir galing ang mundo dahil sa kanyang mga parte ng katawan ginawa ang ibat
ibang bahagi ng mundo. Ang mitolohiyang ito ay buhay parin sa kasalukuyan.
No comments:
Post a Comment