Sunday, December 16, 2018

BUOD NG EL FILIBUSTERISMO


BUOD NG EL FILIBUSTERISMO (ISANG SURING-BASA)
Nobela mula sa Pilipinas
Isinulat ni Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda
Sinuri nina Juliane Paulyn Pasion, Kriztel Jean Mallare, Hitomie Herrera, Earl Benedict Velasquez, Carl Allen Mendoza, Paul Gabriel Polidario (Pangkat 8 mula sa Baitang 10, Pangkat Krypton)

1. PAGKILALA SA MAY-AKDA (Hitomie Herrera)
Si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, na ating pambansang bayani, ay nakaranas ng diskriminasyon mula sa kanyang mga propesor sa Unibersidad ng Santo Tomas nang siya’y magaral ng medisina. Siya’y nanatili sa unibersidad na nabanggit hanggang sa kanyang ikalawang taon. Mayroong alitan sa pagitan ng mga Dominikano at dahil si Rizal ay Ateneista kung saan kinikilala ng mga Heswitang pari ang kaniyang angking kakayahan, siya ay madalas na ipahiya sa Santo Tomas. Isa ito sa nagtulak sa kaniyang isulat ang El Filibusterismo. Ang iba pa niyang dahilan ay upang maipakita sa mga Pilipino ang mga kakatwang pag uugali nila noong panahon ng paghahari ng Espanya. Ilan na dito ang mga lalaking nagbibihis ng magarbo at nagmamayabang kahit na walang laman ang mga utak. Ang mga babae nama’y nagpanggap na mistisa kahit na purong Pilipino tulad ni Donya Victorina. Ang ilan pa’y ang mga matatandang lalaking kahit na walang pinag aralan at walang alam sa pamununo’y sumisipsip upang mabigyan ng kapangyarihan.

2. URI NG PANITIKAN (Hitomie Herrera)
Ang akdang El Filibusterismo ay isang nobela na kasunod na yugto ng Noli Me Tangere. Ang isang nobela ay isang mahabang akda na nahahati sa mga kabanata. Ito ay may kumplikadong banghay at higit sa isang suliranin. Gaya ng maikling kwento ay mayroon din itong mga tauhan, tagpuan, tema at aral.
Ang naunang nobela ay tungkol sa pagibig na nasawi at ang sumunod na man dito’y ang paghihiganti ng isang binatang pinagkaitan ng pagibig at mga pangarap. Ipinakikita rin sa nobelang El Filibusterismo ang dalawang paraan ng pagkamit ng kalayaan ng Pilipinas- ang marahas na paraan at ang mapayapang paraan. Ang galit at talino ni Simoun ang kanyang ginamit upang tanggalin ang kabuktutan sa San Diego ngunit siya’y di nagtagumpay dahil iniligtas ni Isagani ang kanyang minamahal na si Paulita mula sa tiyak na kamatayan. Ang marahas na paraan ay mabilis na paraan upang makamit ang kalayaan ngunit kay raming inosenteng buhay ang madadamay rito.

3. LAYUNIN NG AKDA (Juliane Paulyn Pasion)
            Ang akdang El Filibusterismo ay naglalayong pumukaw sa rebolusyonaryong damdamin ng mga Pilipino dahil patungkol ito sa naganap noong panahon na sinakop tayo ng mga Kastila. Nais ni Jose Rizal na buksan ang ating mga mata sa kalupitang ginawa ng mga Kastila.
PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN: Maraming mga teorya ang maaaring mailapat sa nobelang ito. Una ay ang TEORYANG REALISMO dahil ito ay isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal at ito ay personal niyang naranasan kaya’t puro katotohanan ang nakapaloob dito. Ikalawa, TEORYANG SOSYOLOHIKAL dahil talaga namang naipawaliwanag dito ang kalagayang panlipunan. Ikatlo ang TEORYANG MARXISMO dahil makikita rito ang tunggalian ni Simoun laban sa pamahalaan lalo na’t para mailigtas si Maria Clara.

4. TEMA O PAKSA NG AKDA (Earl Benedict Velasquez)
Ang librong El Filibusterismo ni Jose Rizal ay tungkol sa paghihiganti ni Simoun - ang panibagong identidad o alter ego ni Crisostomo Ibarra. Ang naging pangunahing tema sa libro ay ang pagkakaiba ng paghihiganti at ang tunay na pagbabago. Ang naging dakilang mensahe, lalo na sa dulo sa pagkabagsak ni Simoun, ay nasisira ng paghihiganti ang tunay na layunin ng rebolusyon. Ito'y isang mahalagang aral lalo na nung panahon ng rebolusyon.

5. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA (Kriztel Jean Mallare)
Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.
Basilio - ang mag-aarál ng medisina at kasintahan ni Juli.
Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kaniyang sariling apo.
Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan na si Ibañez.
Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.
Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.
Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
Padre Florentino - ang amain ni Isagani
Don Custodio - ang kilalá sa tawag na Buena Tinta
Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
Juanito Pelaez - ang mag-aarál na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugóng Kastila
Macaraig/Makaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.
Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.
Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibígan daw ni Don Custodio.
Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.
Tiyo Kiko - matalik na kaibígan ni Camaroncocido.
Gertrude - mang-aawit sa palabas.
Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.
Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.

6. TAGPUAN/PANAHON (Earl Benedict Velasquez)
·           UNANG TAGPO
·           Tagpuan: Sa isang bapor na nagngangalang Tabo. Kakikitaan ang bapor ng iba’t ibang uri ng tao. May mayayaman, mahihirap, kawani ng pamahalaan at iba pa.ang bapor ay patungong Laguna mula Maynila. Ilan sa mga lulan ng bapor ay anng mga prayle/reverendos, si Isagani, ang mamamahayag na si Ben Zayb, si Donya Victorina, isang mag-aalahas na nagngangalang Simoun, at si Basilio. Sa ilalim ng kubyerta ng bapor makikitang naguusap si Isagani, Basilio at Kapitan Basilio.
·           Tagpuan: Bisperas ng Pasko ngunit si Basilio ay lulan ng isang kalesa patungo sa bahay ni Kapitan Tiago sa bayan ng San Diego. Inabutan nila sa daanan ang prusisyon ng iba’t ibang santo. Si Kapitan Tiago ang tumulong kay Basilio upang makapagaral ng medisina. Sa tuwing uuwi sa Basilio sa San Diego, lagi niyang binibisita ang libingan ng kanyang ina. Ngunit isang gabi, isang di inaasahang sikreto anng nalaman ni Basilio.
·           IKATLONG TAGPO
·           Tagpuan: Sa bahay ni Macaraig nagtipon-tipon ang mga estudyanteng kasama sa grupo na naghahangad mapatayo ang Akademya ng Wikang Kastila. Ilan sa mga ito ay si Sandoval, ang estudyanteng mahilig manalumpati, si Isagani, ang makata, si Pecson, na puro pag-aalinlangan, at si Pelaez,ang anak ng isang Kastilang mangangalakal.  Hinihintay na lamang nila ang pagdating ni Macaraig upang ibalita sa kanila ang tungkol sa akademya. Nag-uusap ang mga mag-aaral kung sa palagay ba nila ay papayagan ng mga prayle ang kanilang mga mungkahi. Tanging si Pecson lamang ang nag-iisip ng negatibo sa grupo. Nasa gitna ng paguusap anng mga mag-aaral ng dumating si Macaraig dala ang isang magandang balita.
·           IKAAPAT NA TAGPO
·           Tagpuan: Nagpakitang muli si Simoun kay Basilio upang anyayahan itong sumama sa binabalak nitong paghihimagsik.
·           IKALIMANG TAGPO
·           Tagpuan: Sa isnag pansiterya na nagngangalang Pansiteria Macanista de Buen Gusto. Ang mga estudyante ay nagtipon-tipon dahil sa pare-pareho silang masasama ang loob pagkat sila’y nabigo sa kanilang panukala ukol sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.
·           IKA-ANIM NA TAGPO
·           Tagpuan: Maagang gumising si Basilio upang dalawin ang mga pasyente niya sa ospital at upang asikasuhin ang mga papeles na kanyang kakailanagnin sa kanyang pagtatapos sa Unibersidad. Pinaplano niyang lapitan si Macaraig upang humiram ng kaunting halaga na kanyang gagamitin sa kanyang pagtatapos. Ang lahat kasi ng kanyang naipon ay nagugol niya sa pagtubos kay Huli at sa kanilang titirhan ng kanyang lolo, si Tandang Selo. Naglalakad si Basilio patungong unibersidad.
·           IKA-PITONG TAGPO
·           Tagpuan: Tuluyang nakulong ang mga estudyante na kasapi sa grupong naghahangad na matatag ang Akademya ng Wikang Kastila, ngunit nakalaya din dahil sa nalakad ang mga kaukulang papel maliban kay Basilio, dahil walang maglalakad ng kanyang papel dahil si Kapitan Tiago ay namayapa na. karamihan sa mga estudyante ay hindi pumasa sa eng serbisyo sibil. Si tadeo naman ay tuwang-tuwa dahil sinunog ang lahat nang mga aklat at sila ay pinauwi para sa isang mahabang bakasyon. Si Juanito naman ay tinuruan na lamang ng kanyang ama kung paano mangalakal. Si Macaraig naman ay nagtungo ng Europa. Si Isagani ay nakapasa sa asignaturang pangmadlang pagpapahayag ngunit bagsak sa iba. Dinaan namn ni Sandoval sa pagtatalumpati kung kaya siya ay nakapasa. Sinubukan ni Huli, ang kasintahan ni Basilio na pakiusapan si Padre Camorra na palayain ang kanyang kasintahan ngunit ito pa ang nagging dahilan ng kanyang kamatayan. Hindi rin nagtagal ay pinasya ni Paulita, ang maganda at mayamang kasintahan ni Isagani, na magpakasal. Ngunit hindi sa binata kundi kay Juanito Pelaez. Buwna na ng Abril at laganap na ang balitang kasalan. Si Simoun naman ay nais nagdaos ng isang piging dahil siya ay lilipad na pabalik ng Espanya.
·           IKA-WALONG TAGPO
·           Tagpuan: Alas-siyete na ng gabi. Nagsimula nang dagsain ng mga panauhin ang bahay ni Kapitan Tiago, na pagdadausan ng kasal nila Paulita at Juanito. Ang pagdating  ng Kapitan Heneral na lamang ang hinihintay upang magsimula ang pista. Sa harap ng bahay ay naroon si Basilio at nagmamasid.
·           IKA-SIYAM NA TAGPO
Tagpuan: Napagalaman ng lahat na si Simoun ang may kagagawan ng lahat. Hinalughog ang kanyang bahay at nakita dito ang ilang armas at bulbura. Pinaghahanap na siya ng mga sibil. Ayaw niyang magpahuli ng buhay kaya uminom siya ng lason at nagtungo kay Padre Florentino upang mangumpisal.
·         IKA SAMPUNG TAGPUAN
Tagpuan:
Sa bahay ni Kabesang Tales nakipanuluyan si Simoun. Ito’y nasa pagitan ng San Diego at Tiyani. Nagdarahop si Kabesang Tales ngunit dala nang lahat ni Simoun ang pagkain at ibang kailangan at dalawang kaban ng mga alahas.
·         IKA LABING ISANG TAGPUAN
Ang Kap. Heneral ay nangaso sa Bosoboso. May kasama siyang banda ng musiko sapagka’t siya ang pangalawang patrono real ng Pilipinas o kinatawan ng patrono real ng hari. Walang nabaril na ibon o usa ang Kapitan heneral. Ibig na sanang pagbihisang- usa ang isang tao. Mabuti na raw iyon sapagka’t maawain siya sa hayop. Ang totoo’y natutuwa siya’t di makikita na di siya makatatama ng ibon o usang babarilin. Nagbalik sila sa Los Banos.
·         IKA LABING DALAWANG TAGPUAN
Tagpuan: Malungkot na patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente sapagkat ibig na niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi na niya sa 2 sulat niya sa ina. Pinakiusapan nga lamang siya ng ina na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya.Nasa ikaapat na taon na siya.
·         IKA LABING TATLONG TAGPUAN
Tagpuan: Isang silid na taluhaba ang silid ng klase. Ang upuan ay parang hagdan na tatlong baytang at nakapaligid sa 3 panig ng silid. Sa isang dulo ng silid ay ang hapag ng guro na sa likod ay ang pisarang may nakasulat na Viva! na naroon mula pa nang unang araw ng pasukan sa taong iyon. Walang palamuti ano man ang mga dingding na bato. May mga kasangkapan sa pisika nguni’t ito ay nakasusi sa isang aparador na may salamin at kung gamitin man ay ipinakikita lamang sa klase mula sa malayo tulad ng Santisimo ng Pare. Iyon ay ipinakikita lamang sa mga dayuhan upang di masabi ng mga ito na nahuhuli ang UST sa ibang bansa sa kahusayan sa pagtuturo at kaya lamang di natututo ang mga Pilipino ay dahil katutubo ang walang-katalinuhan.

7. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI (Carl Allen Mendoza)
A. SIMULA: KABANATA 7: “SI SIMOUN” – “Walang lihim ang hindi nabubunyag”

Malapit sa puntod na pinanggalingan ni Basilio may nakita siyang di kakilalang lalaki sa malayo at yun ay si Simoun. Naghuhukay ang alahero, walang suot na salaming asul kaya naman nagbago ang anyo nito. Kinilabutan si Basilio dahil alam niyang ito rin ang di kilalang lalaki na humukay ng paglilibingan ng kanyang ina labintatlong taon na ang nakalipas, higit na matanda nga lamang ngayon, may puti na ang buhok, maybigote at balbas ngunit iyon parin ang mga mata nito at ang mapanglaw na mukha. Naisip niya na samakatuwid na ang namatay o naglaho na tagapagmana ng lupaing ito ay walang iba kundi ang alaherong si Simoun—napagtagpi-tagpi na ni Basilio na si Simoun nga si Crisostomo Ibarra.
Nilapitan niya ito at tinanong kung may matutulong siya. Sa pagkagitla ni Simoun, tinanong niya si basilio kung alam ba niya kung sino siya at sumagot si Basilio na isa raw siya sa mga taong itinuturing niyang banal sapagkat 13 years ago tumulong ito sa kanya sa paglilibing ng kanyang ina. Sumagot si Simoun na taglay ni Basilio ang lihim na maaaring makasira sa kanyang mga balak.

B. TUMITINDING GALAW:KABANATA 19: “ANG PAGLISAN” “ang lumakad ng matulin kung matinik ay malalim”

Nakikipag-usap si Kabesang Andang kay Placido at nagmamaka awa na bumalik ito sa unibersidad.
- Yung dating Maestro na sinuspindi ay naging taga gawa ng pulbura
-Sinabi na ni Simoun ang mga plano niya kay Placido at ang hudyat na unang putok ng kanyon. Umalis si Placido na sigurado na sa kanyang pagsali sa rebolusyon.

C. TUNGGALIAN

Tunggaliang Tao sa Sarili:
Kabanata 18"Ang Kadayaan"
Dito ipinakikita ang maigting a paglalabang pangkatauhan. Nilalabanan ang kanyang sarili.Lutang na lutang ito sa isang tagpo sa kabantang "Ang Kadayaan." Si Padre Salvi ay halos mawalan ng ulirat sa takot habang nanonood ng palabas na may kinalaman sa buhay ng isang ulong pugot. Sa paglalabanang sarili, ang umiiral ay ang kosensya ng tao. Umiiral din ito sa kanyang mga pagpapasiya.

Tunggaliang Tao sa Lipunan
Kabanata 4 " Kabesang Tales"
Ipinakita rito ang maigting na pakikibaka ng tauhan sa mga kasawiang dulot ng lipunang kanyang kinabibilangan. Ang tao ay bahagi ng isang lipunan. Ang kabukulan ng lipunan ay nagdudulot ng kasawian sa buhay ng isang taong kaanib nito. Isa sa biktima ng kalakarang panlipunan ay si Kabesang Tales. Isang marangal at matalinong mamamayan na napilitang maging tulisan dala nga kasawiang dulot ng lipunan.

Tunggaliang Tao sa Tao
kabanata 13 "Klase sa Pisika"
Ipinakikita rin dito ang kasiphayuan ng isang tao dulot ng kanyang kapwa. Lutang na lutang sa nobelang ito ang ganitong sitwasyon. Isinasakripisyo ng bawat isa ang damdamin ng kanyang kapwa maisagawa lamang niya ang nais niya. Ito ay naganap sa "Klase sa Pisika", ang panlalait na ginawa ni Pari Millon, isang propesor na Kastila kay Placido Penitente, isang mag-aaral na katutubo.






D.KASUKDULAN:KABANATA 35: “ANG PIGING”- Binubulag ng pag-ibig ang isang tao

Nasa harap ng bahay ni Kapitan Tiago si Basilio, minamasdan ang mga taong pumapasok sa pagdiriwang, nagdalawang isip siya dahil sa dami ng madadamay na mga inosenteng buhay. Nakita niyang bumaba sa karwahe si Padre Salvi at Padre Irene, at naisip niya na pabayaang magbayad ang mga mabuti kasama ang mga makasalanan. Dumating si Simoun na hawak ang lampara, na sadyang napakaganda at kaayaaya, sumond dito ang pagdating ng Kapitan Heneral. Naawa ulit si Basilio at tinangkang pumasok sa bahay ngunit hindi siya pinapasok,dahil sa napakaaba ng kanyang bihis. Pinigilan siya at binalaan na tatawagin ang isang pares ng beterana, pag pinagpilitan niya pang pumasok sa pagdiriwang. Malugod na tinanggap an lampara na hawak ni Simoun, lahat ay manangha at pinuri ang lampara. Nasunod sa plano ito ay nilagay sa gitna ng mesa na pinsadya ni Simoun. Hinay-hinay na umalis si Simoun na hindi na napansin ng mga tao sa loob dahil sa pagkamangha sa lampara. Makaraan ang ilang minuto lumabas si Simoun na bahagyang namumutla. Parang tinutukoy nito na wala na itong magagawa dahil “tapos na ang pagtaya” o :”Alea Jecta Est”. Sa pagsakay niya sa karwahe ay sinabi niya na bilisan ang pagpunta sa Escolta. Dahil doon naisip ni Basilio ang kanyang kaligtasan, naglakad-takbo papalayo si Basilio sa bahay, nababangga ang sino mang makasalubong sa daan. Bigal siyang nabunggo kay Isagani at itoy niyaya niya papalayo sa bahay. Sinagot naman siya ni Isagani na bakit daw ito aalis, pag pinatagal niya mag-iiba na si Paulita bukas. Sinabi ni Basilio na may malaking sakuna ang darating, mamaya niya ikukuwento ang detalye, ang importante ay mapalayo sila sa bahay ni Kapitan Tiago. Pero pinagpilitan pa rin ni Isagani ang tumuloy sa pagdiriwang. Mabilis na umalis at naglakad papalayo si Basilio.

                   
E. KAKALASAN:KABANATA 35: “ANG PIGING”

Matapos nun, at napaisip si Isagani at napagtagpi-tagpi ang, mga sinabi ni Basilio. Nawala sa isip niya ang pag-aalinlangan, at selos, at tanging nasa isip niya ay ang maisalba ang buhay ng kanyang minamahal, si Paulita.
Sa loob pala ng pagdiriwang ay may isang papel ang pinasapasa na may nakasulat na “Mane thecel phares” at sa ilalim nito ang pangalan at lagda ng isang nagngangalang Juan Crisostomo Ibarra. Nagtanong ang Kapitan Heneral kung sino ito, at sinagot naman siya na ito nga ay matagal ng patay, isang pilibustero. Nagpatuloy ang kasiyahan. Napaisip si Don Custodio sa mensahe ng sulat, kamatayan ng lahat sa gabing ito? Bigla niyang nabitawan ang kanyang hawak na kubyertas, baka sila ay lalasunin sa pagkain.
Namatay ang ilaw ng lampara, nagkagulo at inutos ng Kapitan Heneral na itaas ang mitsa uoang magkailaw ulit. Ngunit biglang may taong kumuha sa lampara at dalian itong tumalon palabas ng bahay patungong ilog. Nagsigawan ang mga nakakita, at nagkagulo ulit dahil may magnanakaw daw! Hindi na nila ito nakilala dahil dalian itong tumalon sa ilog.


F. WAKAS:KABANATA 39: KATAPUSAN - Ang nagtatanim ng hangin, bagyo ang aanihin

Sa katapusan makikita natin na inamin ni Simoun na sya ay nagkamali subalit pinanindigan pa din na dapat makamtam ng mga Pilipino ang kalayaan sa mapagparusang kamay ng mga Kastila. At hindi pinahintulot na sya ay mahuli ng buhay mas ninais pa niyang mamatay na lamang. Ipinakita din ang pagkakaiba ng kanilang pananaw ukol sa paghihiganti, Diyos, at sa mga paraan Nito. Nakita din natin ang kabutihan ng isangn paring indiyo at ang kasawian at katapusan ni Ibarra na nagpanggap na si Simoun.

8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA (Kriztel Jean Mallare)
Ang El Filibusterismo ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa ating paniniwala na tayo’y inabuso ng mga Kastila. Ito ay napatunayan ng mga karanasan ni Dr. Jose Rizal at iba pang mga rebolusyunista. Ito ay makatotohanan at nagpapakita sa baluktot na sistema noong panahon ng Espanyol.

9. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA (Juliane Paulyn Pasion)
            Kung ang mismong nobela ang susuriin, talagang mahirap ito dahil ito’y nilalaman ng 39 na kabanata, pero ang buod lamang nito ang pinasuri sa amin kaya’t naging madali. Maraming iba’t ibang buod ang makikita sa internet. Mahusay ang pagkakasulat dahil kahit sa tatlong talata ay naipapaliwanag ang buong nobela. Medyo mahirap intindihin ang ibang mga salita sa nobela ni Dr. Jose Rizal dahil matatalinghaga ang mga salitang kanyang ginamit. Pero, sa tulong ng mga simbolismo na maaari nating isipin ay napapadali ang pag-unawa.

10. BUOD (Paul Gabriel Polidario)

No comments:

Post a Comment