TALUMPATI
SA PAGTANGGAP NG NOBEL PRIZE PARA SA LITERATURA 2002 (ISANG SURING-BASA)
Talumpati
mula sa Hungary
Isinulat
ni Imre Kertesz
Isinalin
sa Filipino ni Cristina Dimaguila-Macascas
Sinuri
nina Juliane Paulyn Pasion, Dannica Kumambow, Joseph Linus De Guzman, Michael
Mercado, Paul Gabriel Polidario, Cyril Aaron Rockwell (Group 8 mula sa Baitang
10, Pangkat Krypton)
1. PAGKILALA SA MAY-AKDA
Si
Imre Kertesz ay ipinanganak noong ika-9 ng Nobyember taong 1929 at namatay noong
ika-31 ng Marso taong 2016 sa Budapest, Hungary. Siya ay kinilala dahil sa kanyang
semi-autobiographical accounts ng Holocaust.
Ginamit niya ang kanyang plataporma upang maipalaganap ang kanyang mga nalalaman
o kanyang mga naranasan patungkol sa Holocaust. Maliban sa talumpating ito,
siya rin ay kilalang awtor ng mga nobela na ang tema o paksa ay patungkol sa
politikal o sa pananakop ng mga Auschwitz sa kanila.
Ang
siyang nag-udyok kay Imre Kertesz na maging nobelista ay ang kanyang hangarin
na makagawa ng rebolusyon, hindi man pisikal, kung hindi sa pamamagitan ng literatura.
Tulad nga ng sinabi niya sa kaniyang panayam, pinag-aralan niyang mabuti ang
mga kaganapan noong Holocaust ngunit noong natapos niya ang nobela niya, maraming
tao ang nagsasabing hindi interesado rito. Pero sa kabila nito, ito pa rin ay
nag- udyok sa mga tao na gumawa ng kilos at nagbigay daan sa mga kanila upang
maisip nila ang kanilang kalagayan. Ginamit niya ang kanyang nalalaman at
karanasan para tayo ay maliwanagan na sa pagdating ng panahon, maaaring maulit
ito ngunit may bagay na tutulong sating magpatuloy sa buhay.
2. URI NG PANITIKAN
Ayon
pa lamang sa pamagat, malalaman na natin na ang uri ng panitikan na ginamit dito
ay talumpati. Ang talumpati ay isang anyo ng sanaysay. Tulad ng pangkaraniwang anyo
ng sanaysay, ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi: panimula, katawan, at
wakas. Sa panimula, nanghihikayat sa mga tagapakinig ang mananalumpati sa pamamagitan
ng mga sipi mula sa mga kilalang tao, salawikain, kasabihan, diyalogo ng mga tauhan
sa pelikula, at maging linya ng awit. Ang katawan o tinatawag ding gitnang bahagi,
ay nagtataglay ng nilalaman ng talumpati kung saan pinapalawak at
ipinaliliwanag ang ideya. Sa wakas naman binibitawan ang pangunahing kaisipan na
maaaring kapulutan ng aral ng mga tagapakinig.
3. LAYUNIN
NG AKDA
Ang akdang
ito ay may layuning makapagpaliwanag ng kabalintunaan tungkol sa Holocaust. Ito
rin ay naglalayon na mag-iwan ng inspirasyon sa mga tagapakinig at mga mambabasa
na magpatuloy sa buhay sa kabila ng mga karanasan.
PAGLALAPAT NG TEORYANG
PAMPANITIKAN: Mailalapat sa talumpating ito ang mga sumusunod:
Una, ang TEORYANG REALISMO, dahil inilahad ni Imre Kertesz ang kanyang tunay na
karanasan sa nangyaring Holocaust. Pangalawa, TEORYANG SIKOLOHIKAL kung saan nakita
ang takbo ng isip ng may-akda sa kanyang pinaniniwalaan at pinahahalagahan.
Ikatlo ay ang TEORYANG EKSISTENSYALISMO dahil binigyang diin sa akda ang paniniwala
ni Imre Kertesz bilang isa sa mga nakaligtas sa Holocaust at malaya siyang nakapaglahad
ng kaniyang mga nais sabihin. Nabigyang diin sa wakas ng talumpati na ang nagpapanatili
sa kanyang buhay dito sa daigdig ay pag-ibig. Maaari rin ang TEORYANG
BAYOGRAPIKAL sapagkat naipamalas din ang kasagsagan ng buhay ni Imre Kertesz.
Ayon
sa kanyang naranasan sa Holocaust, maipapakita rin ang iba pang mga teoryang pampanitikan.
Isa rito ay TEORYANG MARXISMO sapagkat naipakita ang pagtutunggali ng mga tao, partikular
ang mga Hudyo laban sa mga Auschwitz. Panghuli, TEORYANG HISTORIKAL dahil ang nasabing
Holocaust ay naganap noong panahon pa ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na naging
parte ng kasaysayan ng mundo.
4. TEMA O PAKSA NG AKDA
Ang tema
ay tungkol sa pagpapatuloy sa buhay sa kabila ng mabigat na karanasan. Para sa kanya,
ang Holocaust ay hindi isang pambihirang pangyayari na madaling kalimutan dahil
nag-iwan ito ng pangamba sa mga biktima. Pangunahing kaisipan dito ang pagpapanatili
sa mundo nang dahil sa pag-ibig.
5. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
Si
Imre Kertesz, na siyang nagtalumpati, ang persona. Dahil nga ito ay isang talumpati,
unang panauhan ang ginamit sa akda na lalong nagbigay diin sa kanyang malupit na
karanasan sa Holocaust. Isa siya sa mga nakaligtas sa Auschwitz at tinuturing niya
ito bilang isang uri ng obligasyon dahil napagtanto niya kung anong pribilehiyo
ang ipinagkaloob sakanya.
Bukod
sa may-akda, ang ilan sa mga tauhan na kanyang nabanggit sa talumpati ay ang mga
Auschwitz na silang nagpahirap sa anim na milyong Europeong Hudyo o ang mga biktima
ng Holocaust.
6. TAGPUAN/PANAHON
Ang
Holocaust ay naganap sa kapanahunan ng Ikalawang
Digmaang Pandigdig na tinupad ng pamumunong Nazi sa Alemanya, na pinamumunuan
noon ni Adolf Hitler. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nagtagal mula 1939
hanggang 1945 ay nagpahirap sa milyon-milyong katauhan sa iba’t ibang bansa. Matagal
nang nangyari ito ngunit maaaring magkaroon ulit ng ganitong pangyayari dahil sa
iba’t ibang gulo na nagaganap sa mundo. Kaya nararapat na gamitin natin sa tama
ang bawat oras at kalayaan na mayroon tayo.
Samantala,
ang kanyang talumpati ay isinagawa sa isang Concert
Hall sa Stockholm, Sweden noong ika-10 ng Disyembre taong 2002.
7. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Sa simula ng talumpati, nabanggit na
agad ang Holocaust at sumunod ang mga paglarawan niya sa kanyang takot at
pagdurusa sa mga nangyari noon. Maiintindihan dito kung ano nga ba ang naiwang
bakas ng pangyayaring iyon sa mga biktima nito. Ngunit sa kabila ng mga ito ay
tulad sa ibang akda, may mga positibong bagay na magpapaalala sa atin kung
bakit ba tayo nagpapatuloy sa mundong ito kahit na anong hirap ang mapagdaanan
natin at para sa akdang ito, iyon ay pag-ibig.
8. MGA
KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
Sa
talumpati ni Imre Kertesz sa paggawad sa kanya ng Nobel Prize of 2002, ipinakita
niya ang padurusa, pagdadalamhati, at paghihirap niya sa mga panahong iyon. Ang
naranasan niya ay maaaring maranasan din ng iba ngunit dapat pa ring magpatuloy
sa buhay dahil sa mga pagsubok na ito, makapupupulot tayo ng mga aral at ang
mga aral na ito may maaaring maibahagi rin natin sa iba at magagamit natin bilang
gabay sa panghabang buhay.
Ipinahayag
niya rin sa dulo ng kanyang pahayag na sa kabila ng lahat ng ito, pag-ibig ang
isa sa mga salik ng buhay na nagbibigay lakas sa atin upang bigyang halaga
natin ang ating mga sariling buhay. Maaring itong pag-ibig ay para sa kapwa
tao, bagay, hayop, kultura, bansa, at anuman ay binibigyan tayo nito ng
kapangahasan upang lumaban. At syempre, huwag nating kalimutan ang Panginoon na
Siyang tunay na gumagabay sa anumang gawin natin sa buhay natin at Siya ang
nagturo sa ating umibig sapagkat minamahal Niya tayo higit pa sa sarili.
9. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
Sa
kanyang paglalahad ng talumpating ito, agaran niyang ipinaalam sa mga tagapakinig
ang paksa. Binigyang diin niya agad ang kanyang layunin at nakaraan. Nasundan
niya ang mga kailangan na salik sa paglalahad ng talumpati tulad ng mga tanong
panretorika, pabibigay ng mga pahayag na nagbibigay inspirasiyon, at iba pa.
Ang kanyang paglalahad ay hindi lamang masining sapagkat prangko rin ito.
Ipinabatid niya ang kanyang karanasan sa paraang
nagkukwento lamang siya sa mga tao ngunit nabibigyang buhay ang kanyang mga
sinasabi marahil dahil sa mga pinili niyang salita upang mailarawan ang mga
ito.
10. BUOD
Ang talumpati ni Imre Kertesz ay tungkol sa di
magandang karanasan ng mga indibidwal sa Europa noong panahon ng Holocaust
dahil siya mismo ay kasama sa mga nakaranas ng pagpapahirap ng Nazi sa mga
kababayan niyang Hudyo nang ilang taon. Sa kanyang talumpati, hinihikayat niya
ang mga tao na patuloy na maging matatag sa
buhay lalo na’t sa ganitong panahon na mas komplikado ang sitwasyon.
Kanyang ipinabatid ang kanyang mga mararahas na karanasan sapagkat nais lamang
niya na matuto tayo sa ating nakaraan at ating makamtan ang tunay na budhi ng
mundo. Sa lahat ng kanyang natanto, sa lahat ng kaniyang nadarama noong mga
taong iyon sa dulo ng talumpati ay ipinaalam niya sa madla na kahit anong lupit
ng mga pangyayari, tunay na pag-ibig ang magpapanatiling magpatuloy sa ating
buhay.
No comments:
Post a Comment