Si Thor Sa Mitolohiyang Norse
Bersiyon ni Daniel Mccoy
Pangkat # 7 10-Krypton
Xavier Impuerto Ivan Canlas
Kate Gregorio Devine Fulgencio
Eunice Magtoto
Guro sa Filipino : Ginoong Angelo Butardo
1. PAGKILALA SA MAY-AKDA
Ang ating may-akda na si Daniel
Mccoy ay may mga libro na ang tema o paksa ay tungkol sa mga taong germanic
tulad ng viking at ang mitong norse. Siya ay natawag nading “Norse Mythology
Expert” dahil sa kanyang pag-aaral at nailabas na libro. Ang nag udyok sa kanya
upang gawin ang akda ay ang kanyang kagustuhang ipakalat ang kaniyang mga
natutunan nung siya ay nag-aaral at ipakalat ang kagandahan nito para sa mga
taong nakakita ng halaga dito kagaya niya.
2. URI NG PANITIKAN
Ang uri ng panitikan ay tuluyan at
isang mitolohiya. Ito ay patalata at ang mga karakter ay mga diyos at diyosa na
may mga kakaibang kapangyarihan. Ito ang kaniyang ginamit dahil gusto niyang
ipakalat ang mga kagandahan ng mga mito ng mga taong Germanic. Ang pagkakaroon
ng mga supernatural na pangyayari at paggamit ng mga matalinghagang salita ay
mga importanteng parte ng mitolohiya.
3. LAYUNIN NG AKDA
Ang layunin ng akda ay ituro sa mga
mambabasa ang katangian at mapakilala ang isa sa mga diyos ng mitong norse na
si Thor na diyos ng kidlat.
PAGLALAPAT
NG TEORYANG PAMPANITIKAN: Maaring mailapat ang TEORYANG
PORMALISTIKO sa akda dahil sa akdang ito ay walang ibang ibig-sabihin o
nakatagong pahiwatig pa ang may-akda at kung ano lang ay nakasulat ay iyon lang
ang gusto nyang ipahayag wala nang iba.
Maari ding mailapat ang
TEORYANG IMAHISMO dahil sa paggamit ng mga imahe tulad ng: ang isang martilyo
na lumilikha ng kidlat, isang sinturon na dumodoble ng lakas, at isang tambuli
na naka-konekta sa dagat.
4.
TEMA O PAKSA NG AKDA
Ang tema o paksa ng akda ay ang buhay
at katangian ng diyos na si Thor at ang paglilinlang sakaniya ng hari ng mga
higante na naging sanhi ng kaniyang matinding galit.
5. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
Ang karakter sa akda ay katauhan na
nilikha matagal na panahon nang nakalipas upang magkaroon ng eksplanasyon sa
mga pangyayari sa mundo noon. Ang akda ay gumagamit ng ikatlong panauhan dahil
sa mga paggamit ng panghalip na siya at upang mag mistulang tagapagsalaysay ng
buhay ng tauhan.
6. TAGPUAN/PANAHON
Base sa akda, isa lamang
itong mitolohiya o walang tiyak na ibedensiya kung kalian ito naganap ngunit
kahit na sa isa itong mitolohiya may mga bagay na parte nito ay may koneksyon
sa realidad o sa mga kasalukuyang nangyayari. Ang akda ay umiikot sa mundo ng
Asgard kung saan naninirahan ang bida na si Thor. Nasabi rin ang iba pang mga
mga lugar kagaya na lamang ng Jotunheim na lugar ng mga higante na kalaban ni
Thor at sila ay nagging malaking parte ng istorya at ang Midgard na tahanan ng
mga normal na nilalang, nabanggit ito na lugar ng mga tao na isa sa mga
tinutulungan at prinoprotektahan ni Thor.
7. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Kung babasahin mo ang storyang “Si
Thor”, makikita mong may kakaiba itong taglay na istorya, mas makapangyarihan
kaysa sa normal na katauhan. Sa simula ay bibilib ka sa angking galing ni Thor
sa pakikipaglaban, o pag protekta sa Asgard gamit ang kanyang Mjolnir. Si Thor
ang pinakabarbaro o magaspang ang kilos sa daigdig. Sa kalagitnaan ng mga
pangyayari, kung saan hindi karaniwan ang naganap, nilinlang si Thor ng hari ng
mga higante sa Jotunheim kung saan hindi siya nanalo sa mga hamon dahil sa
ginamit na mahika nito. Dahil sa mga pangyayaring ito ay mas lalo pang nakita
ang tunay na kalakasan ni Thor sa pamamagitan ng kanyang pagpapatuloy na
pagkidlat sa taas ng kabundukan.
8.
MGA KAISIPAN O IDEYA NA TAGLAY NG AKDA
Ang mga sumusunod ay mga
ideya o kaisipang nakapaloob sa istorya: -Kahit gaano ka kahusay o kagaling sa
isang bagay, hindi ka dapat nagmamayabang sa iba. Ipinapakita rin na ang
pagkakaroon ng hindi kontroladong damdamin ay hindi magbubunga ng mabuting
desisyon, dapat isaalang-alang lang na
dapat ay kontrolado natin ang bawat emosyon natin sa pagsasagawa.
9.
ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
Ang
pagkakasulat ng Thor ay sadyang kahanga hanga, malikhain ang pagkakalarawan sa
karakter at binigyan ng masining at makabuluhang takbo. Patok ito sa panlasa ng
mga mambabasa sapagkat hinaluan ito ng pantasya na wala ang normal na katauhan,
nagpakita rin ng kapangyarihan na ‘di mo inaasahan. Tiyak na maiintindihan mo
ito dahil hindi sila gumamit ng malalim na salita, tamang tama lang para sa
mambabasa na hindi gaanong banyaga sa wika
10. BUOD
Sa
mitolohiyang Nordiko, Si Thor ay ang Diyos ng Kidlat. Lalaking anak nina Odin
at Fjorgyn. Siya ay maituturing na tagapagbantay ng mga Asgard laban sa mga
higante. Karaniwang siyang umaakyat sa tuktok ng mga kabundukan para sa kanyang
paglilibang. Palaging handing tumulong sa kahit na sino, Diyos man ito o isang
normal na nilalang. Naging kalaguyo niya ang Diyosa ng pagkayabong na si Sif.
Isang araw, Nang dahil sa kanyang masidhing pagmamalaki sa sarili ay hinamon
niya ang hari ng mga higante sa inumin ngunit sa kasamaang palad siya ay
nabigo. Sa pangalawang pagkakataon, nabigo pa rin si Thor na magtagumpay sa paghamon.
Lumabas si Thor ng kaharian na may dalang kahihiyan, Bago pa makalabas ng
kaharian si Thor, Inamin ng Hari ng mga Higante ang salamangka ang mga hamon
laban sa kanya kaya siya ay nagagapi. Akmang babatuhin na ng martilyo ni Thor
ang hari nang biglang itong naglaho sa kanyang paningin. Nanatili ang Diyos ng
Kidlat ng matagal sa pinakamataas na bundok at paulit-ulit na hinampas ang
Mjolnir na nagdudulot ng mga matitinding pagkidlat nang dahil sa kanyang labis
na pagkagalit.
Hi salamt po"-"
ReplyDelete