BAWAL ANG
ANAK NA LALAKI
Isinalin
ni Marina Gonzaga-Merida
Mula sa
‘No Sons! A Superhero Tale of Africa’
(Isang
Epiko mula sa Congo) ni Aaron Shepard
Sinuri nina
Roldan, Buenaflor, Ungui, Magtoto, Cruz (10-Krypton)
1.
PAGKILALA
SA MAY-AKDA (Ito ay hindi
nangangahulugan ng pagsusuri sa pagkatao ng may-akda kundi sa mga bagay na
nag-uudyok sa kanya upang likhain ang isang akda.) [Bea
Buenaflor]
Si Aaron
Shepard ay ang may-akda ng award-winning na The Legend of Lightning Larry, The
Sea King's Daughter, The Baker's Dozen, at marami pang mga libro ng mga bata
mula sa mga publisher na malaki at maliit. Madalas na lumitaw ang kanyang mga
kuwento sa Cricket at School's Magazine ng Australia.
Ang
espesyalidad ni Aaron ay nagpapahiwatig ng mga folktale at iba pang tradisyonal
na literatura mula sa buong mundo. Ang kanyang trabaho ay pinarangalan ng
American Library Association, National Council for the Social Studies, American
Folklore Society, Public Library ng New York, at Bank Street College of
Education. Ang kanyang mga kuwento ay tinatangkilik ng isang malawak na hanay
ng mga batang mambabasa-pati na rin ng mga matatanda-at perpekto para sa
pagbabasa nang malakas.
Sa Web,
pinanatili ni Aaron ang malawak na koleksyon ng mga mapagkukunan para sa mga
guro, librarian, tagapagsalita, mga manunulat ng bata, mga magulang, at mga
bata. Ang kanyang site ay tiningnan sa pamamagitan ng higit sa pitong milyong
mga bisita at iguguhit higit sa 25,000 mga bisita sa isang linggo. Kabilang sa
mga handog nito ang pangunahing koleksiyon ng script ng teatro ng libreng
reader na ginagamit sa mga paaralan at mga aklatan sa buong mundo.
si Aaron
ay nalulugod sa pagbabahagi ng magic ng kuwento.
2.
URI
NG PANITIKAN (Pagtukoy sa mga
anyo ng panitikang sinulat sa himig o damdaming taglay nito.) [Rhen
Joshua Ungui]
Ang uri ng panitikan sa akda ay isang epiko. Ang epiko ay
tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na
nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y
buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa. Ang paksa ng mga epiko ay mga
kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma. Ang
salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang ‘awit’ ngunit
ngayon ito’y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.
3.
LAYUNIN
NG AKDA (Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit
isinulat. Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat, magprotesta at iba pa.)
[Xienina
Roldan]
Ang akda ay naglalayong magturo sa mga mambabasa kung paano tanggapin
ang pagkakapantay-pantay sa kasarian ng mga anak mapababae man ito o mapalalaki
at kung ano man ang kanilang kasarian ay karapatan ng isang magulang na
alagaan, protektahan, at mahalin ang kani-kanilang mga supling.
PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN:
Mailalapat ang TEORYANG EKSISTENSIYALISMO
na ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili
sa mundo (human existence). Makikita sa akda na nililimitahan ng datu na si
She-Mwindo ang kanyang anak na si Mwindo dahil sa pagiging anak na lalaki kaya
tinangka niyang pataying ang kanyang anak.
Maaari din ilapat ang TEORYANG
KULTURAL na ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda
sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala
at tradisyong minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito
na bawat lipi ay natatangi. Sa akda, masasabing ipinapakita dito ang kultura ng
mga taga-Africa katulad ng pwede mag-asawa ng marami ang mga lalaki, mayroong ibinibigay
na brideprice o dote sa mga asawa na lalaki na ibibigay nila sa kanilang asawa
na babae, kaya mahihinuha sa akda na ayaw ni She-Mwindo ng anak na lalaki dahil
malaki ang binabayaran ng mga lalaki kapag ito ay nag-asawa na.
4. TEMA O
PAKSA NG AKDA (Ito ba ay
makabuluhan, napapanahon, at mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng mga
mababasa?)
[Xienina Roldan]
Ang tema
ng akda ay tungkol sa mga sumusunod: pagtanggap sa kasarian ng anak, pagmamahal
ng magulang, pagmamahal ng anak, pagmamahal ng mga kapamilya at kamag-anak,
pag-alaga ng magulang sa kaniyang anak, pagkilala sa mga kultura ng bansang
Africa.
5.
MGA
TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA (Ang
karakter ba’y anyo ng mga taong likha ng lipunang ginagalawan, mga taong di pa
nalilikha sa panahong kinabibilangan o mga taong nilikha, nagwasak, nabuhay o
namatay.)
[Eunice Faith Magtoto]
She-Mwindo - Datu ng isang
nayon na mayroong pitong asawa at nais lamang magkaroon ng anak na babae at
ipinagbabawal ang anak na lalaki.
Mwindo - Natatanging anak
na lalaki ni She-Mwindo. Ipinanganak na naglalakad, nagsasalita at
nakakaintindi.
Ang Paboritong Asawa - ang ina
ni Mwindo at ang paborito sa lahat ng pitong asawa ni She-Mwindo.
Tiya Iyangura - Tiya ni Mwindo.
Ang tumanggap ng lubos kay Mwindo noong siya ay ipinatapon sa ilog
6.
TAGPUAN/PANAHON (Binibigyang-pansin sa panunuring
pampanitikan ang kasaysayan, kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda
bilang mga saksi ng kalagayan o katayuan ng isang indibidwal ng kanyang
kaugnayan sa kapwa at lipunan.) [Rhen Joshua Ungui]
Ang tagpuan sa kwento ay mula sa nayon ng Tubondo, ang epiko ay galing
sa mga taga Congo sa bansa ng Africa. Ipinakita sa akda kung paano ang naging
pagtrato ng datu sa kanyang anak na lalaki at binibigyang importansya ang mga
anak na babae, ito ay kasalukuyang nangyayari sa bansang Africa kaya masasabing
ito ay makatotohanan at base sa realidad
7.
NILALAMAN
O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI (Isa
bang gasgas na pangyayari ang inilahad sa akda? May kakaiba ba sa nilalamang
taglay? Dati o luma na ba ang mga pangyayari o may bagong bihis, anyo, anggulo
o pananaw? Paano binuo ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakalapit
ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas? May nautuhan ka ba sa nilalaman
ng akda?) [Eunice Faith Magtoto]
- Ang akda
ay mauunawaan kaagad dahil naipaliwanag ng epektibo at maayos ang suliranin sa
pamamagitan ng mga pagtatangka at mga banta.
- Sa daloy
ng istorya ay nagpapakita din ito ng iba’t ibang kultura sa Africa tulad ng
pagkakaroon ng madaming asawa na babae ng mga lalaki.
- Ang nais
iparating na mensahe ay may kalumaan na dahil isa itong epiko ngunit ito ay
nanyayari parin sa kasulukuyan particular na sa Africa.
8. MGA
KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA (Ang
isang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang
umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan.
Maaari ding ang mga kaisipang ito ay salungatin, pabulaanan, magbago o palitan.
Ito ba ay mga katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan, mga batas sa
kalikasan, sistema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay? Mahalagang
masuri sa akda ang mga kaisipang ginamit na batayan sa paglalahad ng mga
pangyayari.)
[Renz Gregory Cruz]
Dapat pahalagahan ang anak, lalaki man o babae. Katulad ng sinabi sa
kwento, ang magulang ay hindi maaaring maging ama kung wala siyang anak at ang
anak ay hindi maaaring maging anak kung wala siyang
magulang. Natutuhan natin sa akdang ito na kahit ano mang kasarian ng ating
mga anak, dapat inaalagaan parin sila at hindi dapat inilalayo katulad ng
ginawa ni She-Mwindo na ayaw sa kanyang anak na si Mwindo dahil siya ay lalaki.
9. ESTILO NG
PAGKAKASULAT NG AKDA (Epektibo
ba ang paraan ng pagkakagamit ng mga salita? Angkop ba ang antas ng pang-unawa
ng mga mambabasa sa pagkakabuo ng akda? May bias ba kaya ang istilo ng
pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masining ba ang pagkakagawa ng akda? Ito
ba’y may kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian ng isang
mahusay na akda?) [Renz Gregory Cruz]
Ang estilo ng akda ay gumagamit ng linear na
banghay dahil sa pagkasunod-sunod ng pangyayari sa kwento; ang awtor ay gumamit
rin ng estilong pagsasalaysay sa paraang pagkasunod sunod ng mga pangyayari sa
kwento. Gumamit rin ang awtor ng paglalarawan sa “Ang sanggol ay nagliliwanag
tulad ng sumisikat na araw”. Mayroon ding paulit-ulit na mga salita na inaawit
ni Mwindo noong siya ay isinilang, at kung siya ay balak tangkaing patayin ng
kanyang ama na si She-Mwindo.
10. BUOD (Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang
istorya ng akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang detalye ang bigyang-tuon.) [Bea
Buenaflor]
Si
She-Mwindo ay may pitong asawa, hindi nagtagal nanganak ang anim sa kanila ng babaeng
sanggol ngunit ang kanyang paboritong asawa ay nanganak ng kakaibang sanggol na
lalake. Kakaiba si Mwindo dahil nang ipinanganak ito ay naglalakad at
nagsasalita na ito. Hindi nagustuhan ng datu na nanganak ng lalake ang kanyang
asawa kaya pinagtangkaan niyang patayin si Mwindo, pero hindi naging matagumpay
ang datu dahil sa kakaibang taglay ni Mwindo. Sa huli ay tinanggap rin ni She-Mwindo
ang kaisang anak niyang lalaki na si Mwindo.
GOOD ANALYSIS....
ReplyDelete